Mayor Isko, magbibigay ng P1,000 monthly allowance sa mga college student sa dalawang unibersidad sa Maynila

202

Dahil sa bagong ordinansa na pinirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Miyerkules, makakatanggap na rin ng P1,000 monthly allowance ang mga estudyante sa dalawang unibersidad na pinamumunuan ng Manila City government.

Sa ilalim ng Ordinance No. 8568, makakatanggap ng P1,000 monthly monetary allowance ang mga kwalipikadong estudyante sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila UdM).

“There is a need to support the youth of the City of Manila intellectually by providing allowances to its public school students to allow them to continue their education despite hardships and struggles of the family,” nakasaaad sa ordinansa.

Upang maging kwalipikado ang isang college student ay dapat maganda ang katayuan nito sa eskwelahan, “must not have any disciplinary record, must be a resident of Manila, and must be a registered voter of the nation’s capital.”

Kung sakaling wala pa sa hustong gulang ang estudyante ay maaari naman ang magulang o legal guardian ang kumuha ng allowance.

“All qualified students duly enrolled in PLM and UdM in good standing, for undergraduate courses in the aforementioned university and college are entitled to receive the allowance covered.”

Samantala, ang allowance ay diretso sa ATM cards ng estudyante upang madaling makuha at maiwasan umano ang mga anomalya.

“Kaya ko siya gusto i-ATM kasi ‘yung corruption mawawala (I want to release it via ATM to prevent corruption),” saad ng alkalde.

“We really wanted to be efficient in such a way. Also mas kapakipakinabang in terms of ginhawa,” dagdag niya.

Ang nasabing ordinansa ay magiging epektibo sa January 2020.

Panoorin ang video dito:

Facebook Comments