Mayor Isko, beastmode sa mga pasaway na driver; MTPB enforcer, sinibak

453

Walang pagdadalawang-sip na tinaggal sa serbisyo ang isang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos maaktuhan nakikipag-aregluhan sa isang bus driver sa loob mismo ng  bus sa Ermita, Maynila.

Galit na galit si Mayor Isko Moreno sa kanyang nadatnan at habang nasa Post Office sa Liwasang Bonifacio ay napansin ng alkalde ang nakahintong bus at agad itong nilapitan.

Dito ay naaktuhan ng Mayor ang pakikipag-usap ng bus driver sa isang traffic enforcer.

Ang traffic enforcer ay kinilalang si Alejandro Panlilio. Samantala, ang bus ay may pangalang Arabia Boy Transport at plakang TYW-378.

Paliwanag ng enforcer, nakiusap ang driver sa kanya sakadahilanang wala itong lisensya at pinapapunta na lamang sa opisina upang ayusin ang problema.

Ayon naman sa ulat, napag-alaman na bago nasita ang bus driver ay nahuli na rin ito kaya OVR lamang ang kahyang hawak at ang kanyang lisensya ay hindi pa natutubos sa Manila City Hall.

“Ito nakikipag-usap sa driver, anong aregluhan ang nangyayari dito?” galit na saad ng alkalde.

Agad na ipinag-utos ni Mayor Isko sa mga tauhan na tanggalin na ang suot na ID nito.

Ipinapahabol rin ni Mayor Isko ang mga sasakyang nakitang il!gal na nakaparada doon.

Ipinag-utos ng alkalde na ipa-impound ang sasakyang nahuli at kuhanin ang plaka.

May paalala rin ang mayor kay P/Maj. Eliaz Dematera Jr. ang hepe ng Lawton PCP. Aniya, panghuling paalala na umano niya ito rito.

“Dematera last warning kana lang ha,” saad ni Moreno.

Panoorin ang buong pangyayari:

Facebook Comments