May bahay sa bakuna! House and lot, iba pa ipapa-raffle sa mga magpapabakuna sa Las Piñas

Nag-trending kamakailan lang na magkakabahay ang sinumang manalo sa Las Piñas kapag nagpabakuna ang residente doon.

Nagkagulo oline at umano ng maraming reaction mula sa mga netizen ang pakulo na “May bahay sa bakuna” ni Rep. Camille Villar.

Bilang paghikayat umano sa mga residente ng Las Piñas na magpabakuna ay naisipan nila ang ganiong istratehiya upang mas ganahang magpabakuna kontra ƈσʋιԃ-19 ang mga residente doon.

“Naniniwala po ako na pag may wastong kaalaman ang ating mga kababayan tungkol sa benefits ng pagpapabakuna ay baka ma-encourage sila magpabakuna,” saad ni Villar.

Dahil maraming tao ang ang nag-aalangang magpabakuna gaya ng mga senior citizen kaya magpapa-raffle sila ng bahay at lupa, motorsiklo at iba pa.

Ayon sa ulat, mula Hulyo, 10 pangkabuhayan showcase kada buwan ang ira-raffle sa lahat ng nagpabakuna na.

Idadaos ang raffle sa house and lot sa Disyembre at mamimigay rin sila ng consolation prize na 2 motorsiklo.

Nilinaw naman ni Villar na personal na pera nila ang gagamitin dito at walang public funds na involve.

Samantala, sa San Luis, Pampanga naman ay mga baka ang ipapa-raffle sa mga tumanggap ng kahit isang dose ng ƈσʋιԃ-19 vaccine bilang pampa-engganyo sa ibang magpabakuna.

Ayon kay Mayor Jayson Sagum, sisimulan ang pakulo sa Hulyo kung kailan inaasahang aarangkada na ang pagdating ng mga bakuna.

Loading...