Maternity benefits ng SSS aabot ng P70,000 simula Enero 2020

Ayon sa Social Security System (SSS)  nitong Huwebes, aabot na sa P70,000 ang maximum maternity financial assistance na maaari nilang maibigay simula sa Enero 2020.

Kaya naman magandang panimula ang naghihitay sa mga babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) sa susunod na taon.

Nasa higit 122,000 babaeng miyembro ng Social Security System (SSS) ang nabenepisyuhan ng expanded maternity leave law sa unang apat na buwan ng 2019.

Ang implementasyon umano ay kasunod ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at pati na rin ng SSS Act of 2018. Ang dahilan ng pagtaas SSS benefits ay dahil rin sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.

Kung dati ay nasa 32,000 lang ang matatanggap ng isang nanay, sa 2020 ay maaari ng umabot sa P70,000.

Ayon kay SSS President and CEO Aurora Ignacio – 122,571 female members ang nakatanggap ng mataas na benepisyo sa ilalim ng bagong batas mula Enero hanggang Abril ng kasakuluyang taon.

Ayon naman sa ulat, magmula nang maipatupad ang Expanded Maternity Leave Act, tinatayang nasa higit 122,000 nanay ang nakapag-avail ng dagdag-benepisyo.

Katumbas ito sa P2.67 bilyon na maternity benefits mula Enero hanggang Abril nitong taon na mas mataas ng 15.09 porsiyento na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon. 

Loading...