Matandang pulubi, pumanaw na mayroong naipon na umabot sa Isang Milyon Dolyar sa kanyang bank account

Naging usap-usapan sa social media ang isang matandang pulubi na pumanaw na may na-iwang pera sa kanyang bank account na umaabot ng isang milyong Dolyar.

Hindi makapaniwala ang lahat ng madiskubri ng mga otoridad ang labi ni Fatima Othman sa isang abandonadong sasakyan sa Barbir district sa Beirut dahil may hawak-hawak lang naman siyang limpak na salapi.

Nagulat sila ng mapag-alaman nilang may tinatago palang pera si Othman na aabot lang naman sa halagang 5 million Lebanese pounds o $3,400.

Ang ikinagulat pa nila ang pera ay may kalakip ring bank book at nakasaad nga roon na mayroon siyang mahigit 1 milyong dolyar sa banko.

Ayon kay Brig. Gen. Joseph Musallem, director of the Internal Security Forces public relations division, atake sa puso ang sanhi ng kamatayan ni Othman. Kahit umano sila ay nagulat sa kanilang nalaman na mayroong ganoong kalaking halaga ang matanda.

Si Othman ay isang PWD. Hindi na niya maigalaw pa ang mga kamay simula noong maipanganak siya.

Ayon sa ulat, hindi rin nagsasalita si Othman habang nanglilimos. Nakaupo lamang siya sa may daan at tinitingman lang sa mata ang mga taong dumadaan na may lungkot sa mata.

Noon paman ay marami ng nakakakilala kay Othman dahil sa kalagayan nito at matagal na nga itong nanglilimos.

Noong namatay na ang matanda ay doon pa lamang napag-alaman na taga Ain Al-Zahab in Akkar, northern Lebanon pala siya. Doon nakatira ang kaniyang ina at mayroon siyang pitong kapatid.

Kahit ang kanyang pamilya ay walang alam sa perang hawak ni Othman.

Iniuwi ang kanyang labi at doon na rin ito inilibing.

Saad pa ng mga otoridad na wala umanong pumipilit kay Othman na manglimos ito ay matapos madiskubri ang kanyang pera. Dagdag pa nila, marahil natakot ito na mapatay kaya itinago nito ang kanyang maraming pera.

Ang Barbir district kung saan nanglilimos si Othman ay malapit lang sa front lines noong may civil war sa Lebanon at doon rin pinuntirya ng artillery.

Loading...