Matandang lalaki, nakatira lamang sa isang tambakan ng basura sa Cavite

Unang mapapansin ang tambak ng basura ngunit kung iyong pagmamasdan ay mayroon palang maliit na tirahan doon. Sinong mag-aakala na sa liit ng pinagpatong-patong na basura ay may naninirahan palang isang matandang lalaki.

Sa eskinita ng Barangay Biluso sa Silang, Cavite ay may matatagpuang tambakan ng basura. Ngunit sa tabi pala nito ay mqy matandang lalaki na naninirahan doon. Natagpuan doon ni Atty. Kevin Anarna si Tatay Baldo na pinagkakasya ang kanyang sarili sa maliit na tirahan.

Gawa sa bundok ng basura ang bahay nito. Sa liit ng bahay ay hindi agad ito mapapansin dahil natatabunan ito ng mga basura. Nakita ni Atty. Kevin ang nakakaawang kalagayan ni Tatay Baldo kaya naman labis na kinurot ang kanyang damdamin.

Credit: Atty. Kevin Amutan Anarna/ Facebook

Makikita sa mga larawan na si tatay Baldo ay nakaupo may pinto ng kanyang tirahan. Mahaba at puti na ang basbas nito kaya ramdam ng abogado ang paghihir4p nito.

Mahiyain umano si tatay at ayaw magkwento ngunit nalaman niya na taga San Pablo, Laguna daw ito. Dahil nais ng abogado na matulungan si tatay ay nakipag-ugnayan na siya aa lokal na pamahalaan upang hanapin nag pamilya ng lalaki.

Kwento ni Attorney, sobrang liit ng tinitirahan ni tatay at halos hindi na ito magkasya sa bahay nito. Nakabaluktot na lamang ito dahil kalahati lang ng kawatan nito ang nagkasya. Naawa ang abogado at board member na si Kevin Narna sa sitwasyon ng matanda kaya naman ay tinulungan niya itong makalipat ng tirahan.

Credit: Atty. Kevin Amutan Anarna/ Facebook

Aniya, labis na nahabag siya dahil paqno na lamang umano kapag umuulan o kaya’y may bagyo. Delik4do rin umano ang tinitirahan ni tatay dahil takaw- aksid3nte ang eskinitang iyon.

Umaasa siyang makikita ang pamilya ni tatay Baldo. Ngunit sa ngayon ay pagtutuunan umano nila muna ang malilipatang bahay ni tatay.

Credit: Atty. Kevin Amutan Anarna/ Facebook

Sa bagong post ni Attorney, ipinakita niya ang bahay na tinirhan ni tatay. Malaki ito, higaan, kusina at palikuran.

Pagbabalita rin niya na natagpuan na nila ang pamilya ni tatay at sinundo na nga ito. Kaya naman panawagan ng abogado na bukas umano ang bahay sa sinumang kagawa ni tatay na walang matirhan at nangangailangan ng bubong na masisilungan ay bukas iyon para sa lahat.

Loading...