Matandang lalaki na inakalang pulubi, nagpadala pala ng pera sa anak sa Pawnshop

Minsan nagiging mapaghusga tayo sa ating kapwa dahil na rin sa hitsura o estado nila sa buhay.

Kadalasan dahil na rin sa suot nila at tingin ng iba ay marumi sila, ay pulubi na ito. Hindi naiisip ng iba na dahil na rin ito sa klase ng kanilang trabaho.

Isang litrato ngayon ang nag-viral online kung saan makikita ang isang matandang lalaki na nakatayo sa isang tabi ng Palawan Pawnshop.

Tingin ng ibang customer roon ay isang pulubi ang matanda na nanglilimos dahil sa hitsura nito.

Photo courtesy: Del Heartman RCrim/Facebook

Sa halip kasi na umupo sa mga bakanteng upuan ang matanda ay nanatili lang itong nakatayo sa isang sulok habang nag-aantay na tawagin.

Ngunit kalaunan ay napagtanto ng iba na isang customer rin pala ang matanda.

Napag-alaman nila ay nagpadala pala ng pera sa kanyang anak si tatay.

Basahin ang buong post:

TRENDING: “I thought he was a beggar but I was wrong.”

This man is standing in a certain money sending establishment in the Philippines and was initially thought a beggar by others because of his appearance.

To their surprise, the old guy with appaling clothes was waiting for his turn to get his receipt from the counter.

Apparently, he just sent money to his children. This is what we call a “father’s love”. ❤

Samantala, na-guilty naman ang iba sa pag-aakalang isang pulubi ang matanda.

Loading...