Manila Bay, dinagsa ng maraming tao para mamasyal at mag-picnic

Matapos umpisahan ang clean up drive sa Manila Bay, naging matagumpay ang hangarin ng lahat na bumalik ang ganda na taglay nito.

Nitong Linggo, nagmistulang isang beach resort ang baywalk ng Manila bay dahil sa daming tao ang pumunta roon.

Maraming nagtampisaw sa dagat, mayroon namang ilan na nagpicnic at ang ilan ay nanonood lamang sa tanwin.

Image may contain: 1 person, crowd, outdoor and water

Kitng-kita ang pagkahangha sa mukha ng mga kababayan dahil sa linis na ulit ito at wala ng mga basura.

Maaga palang ay nagsidatingan na ang mga mamasyal doon.

Image may contain: one or more people, sky, crowd, ocean, tree, outdoor and water

Bagama’t ipinagbabawal pa rin ang pagligo roon ay hindi naman maligilan ang mga taong nais magtampisaw.

Enjoy na enjoy naman ang mga tao sa paglangoy, hindi alintana ang hindi pa ito lubusang nalilinis.

Maraming ahensya at volunteers ang nagtulong-tulong upang malinis ang Manila Bay.

Itinuturing na isang tagumpay ang pagsasama-sama ng mga tao upang buhayin muli ang Manila bay na ilang dekada na ring pinabayaan.

Image may contain: one or more people, crowd, ocean, outdoor and water

Hinihikayat naman ang lahat na panatiliin ang kalinisan doon at maging responsableng mamamayan at itapon sa tamang barurahan ang mga basura.

Image may contain: one or more people, outdoor, water and nature
Image may contain: one or more people, ocean, child, outdoor and water
Loading...