‘Mang Inasal boy’ tinulungan makapagtapos ng kolehiyo ang nobya; Cum Laude at board passer pa!

“Sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng inyong mahal sa buhay, laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha.”

Ito ang inspiring words ng dalagang nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong kanyang nobyo.

Isa na namang patunay na hindi hadlang ang kahirapan basta mayroong tiyaga at pagsusumikap ay makakamit talaga ang tagumpay.

Ang kwento ni Blessy Parreño at kanyang nobyong si RM De Martin ay isang inspirasyon para sa lahat ng mag-aaral, mga magulang na nagsusumikap at magkasintahang sabay nangarap.

Photo courtesy: Blessy Parreño/ Facebook

Pinatunayan ni Blessy na sulit ang sakripisyo ni RM upang makapagtapos siya ng kolehiyo.

Maliban sa nakapagtapos si Blessy, ay Cum Laude rin siya Capiz State University.

Kwento ni Blessy, marami silang hinarap na pagsubok. Kabilang n rito ang panglalait at chismis dahil sa buhay ni RM.

Photo courtesy: Blessy Parreño/ Facebook

Saad ni Blessy, naging construction worker, cook, at ngayon ay OIC na ng Mang Inasal ang kanyang nobyo para lang makapagtapos siya ng pag-aaral.

Aniya, kahit na high school graduate ang kasintahan ay proud siya rito.

Marami silang narinig na panglalait at mapahusgang salita ngunit hindi nila inintindi iyon. Bagkus, nagsumikap pa sila at nagtiyaga dahil may pangarap sila.

“Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down.
Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa,”
saad ni Blessy.

Kaya naman malaki ang kanyang pasasalamat sa kasintahan dahil itinaguyod nito ang kanyang pag-aaral ng apat na taon.

“Isang taos pusong pasasalamat, Sayo RM De Martin kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, Hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap.”

“Sayo Boy2x, KAYA NATIN TO, MAHAL NA MAHAL KITA,” saad pa niya.

Basahin ang kanyang buong post:

Manughakot humay, Construction Worker, Cook, at naging OIC Mang Inasal NaKAPAGPATAPOS NG CUM LAUDE??

Hindi KO ikinakahiyang highschool graduate ka, di marunong mag English at taga-uma ??✌

Oo ganyan ka kababa sa paningin ng iba, pero di nila alam kung gaano kami ka proud sa narating mo.

#2019- ISANG MANG-INASAL BOY, NATULUNGANG MAKAPAGTAPOS ANG TAONG MAHAL NIYA.

Opoh, tama kayo ng pagkakabasa, isang simpleng lalaki naitaguyod ng apat na taon (AKO).

Nagtiis kmi pareho, nagsikap at pinagtiyagaan ang lahat ng bagay na meron kami.

Mahirap??? Oo sobra, maraming chismiz, negative thoughts at panghuhusga! Kesyo iiwan ka rin nyan pagkagraduate niya, bakit ka maghihirap dyan eh di muyan kaano ano.

Ilang beses Kong kinapalan ang aking mukha. Nilakasan ang aking loob. At sa awa ng Diyos, nalampasan namin ang lahat.
Isang taos pusong pasasalamat, Sayo RM De Martin kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, Hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap. ???

Hindi ako humahangad ng magarang buhay, sapat na sa aking makasama ka at maging masaya kapiling ka. Umasa kang susuklian KO ang lahat ng ginawa ninyo. ??

Para sa FUTURE, para sa lahat ng mapanghusga, para sa mga mapagmataas, para sa mga taong walng ginawa kundi mang Down. ???
Para sa inyo ang pagsisikap naming dalawa.
Sayo Boy2x, KAYA NATIN TO, MAHAL NA MAHAL KITA.??

#At sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng inyong mahal sa buhay, laging tatandaan na ang lahat ay may mabuting dulot kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga at higit sa lahat ay pananalig sa Poong may likha. Sabay sabay nating ipagmalaki at pasalamatan ang lahat ng taong naging parte ng ating buhay at tagumpay.???? #MARAMING SALAMAT PO.

Samantala, si Blessy ay graduate sa kursong Secondary Education Maor in Filipino. At sa bagong resulta ng Licensure examination for Teachers 2019 ay nakapasa siya at ganap ng guro.

Loading...