Malunggay, pangontra sa coronavirus

Dahil sa naging anunsyo ngayong Huwebes ni Health Sec. Francisco Duque III na positibo na sa 2019 novel coronavirus (2019-nCoV) ang Pilipinas, ay biglang nabahala ngayon ang mga Pilipino.

Kaya naman nagbigay na ng payo si Duque kung paano maiiwasan at maging ligtas ang mga pinoy sa nCoV.

Sa pahayag ni Duque, saad niya na dapat laging maghugas ng kamay o kaya’y gumamit ng alcohol.

Saad pa niya, dapat rin daw palakasin ang resistensiya at magbigay ng 1 metrong distansiya mula sa kausap at magtakip rin ng bibig kapag bumabahing.

Paliwanag rin niya na dapat uminom rin ng tubig dahil tuyong lalamunan ay madaling kapitan ng virus.

Kumain rin ng masustansiyang pagkain gaya ng vitamin, A,C,E at mineral zinc.

Uminom rin umano ng fruit juices lalong lalo na ang rich in vitamin C.

Payo rin ni Duque na maglagay ng malunggay sa mga soup o anumang pagkain dahil nakakatulong rin umano ito panlaban sa virus.

Umiwas rin daw pumunta sa mataong lugar o kaya’y magsuot ng surgical mask.

Inanunsyo ngayong Enero 30 ng Department of Health ang kauna-unahang pasyente na nagpositibo sa nCoV.

Ang pasyente ay isang 38 anyos na Chinese na dumating sa bansa noong Enero 21.

Galing Wuhan ang pasyente at dumating sa Pilipinas mula Hong Kong. Na-admit umano siya sa hindi tinukoy na government hospital matapos magreklamo ng ubo.

Bumiyahe rin umano sa Cebu at Dumaguate ang pasyente.

Giit ni Duquesa publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Loading...