Mall sa Taguig, nagbigay-pugay kay NBA star Kobe Bryant

Isang nakakalungkot na balita ang bumungad sa mga Pilipino ngayong Lunes, ito ay matapos maibalita na pumanaw na ang all time favorite NBA star Kobe Bryant.

Si Kobe kasama ang anak na si Gianna ay nasawi matapos na bumagsak mula sa himpapawid ang kanilang helicopter na sinasakyan.

Nagluluksa ang lahat sa pagkasawi ng mag-ama. Pati mga kaibigan sa NBA at taga suporta ay nagluluksa rin sa kanyang pagkawala.

Kaya naman bilang pagbibigay-pugay kay Kobe, nagpa-ilaw ng gusali ang isang mall sa Taguig City.

Photo courtesy: Philippine Star/Facebook

Kung saan makikita na nagkulay purple ang buong gusali at may kulay gold rin na nakasulat ang pangalang Kobe 24.

“Uptown Bonifacio pays tribute to Kobe Bryant, who also touched and inspired so many lives when he visited the Philippines for several occasions,” ayon sa post ng mall.

Photo courtesy: Philippine Star/Facebook

Ang purple at gold ay kulay ng basketball team ni Kobe na Los Angeles Lakers.

Bukod pa rito, may pito pang ibang sakay sa helicopter na nasawi rin. Ang aksidente ay nangyari sa Calabasas, California nitong Linggo ng umaga sa Amerika at Lunes ng umaga naman sa Pilipinas.

Loading...