Mahiwagang timba! Mga residente sa Manila, linggo-linggo nakakatanggap ng relief goods

Usap-usapan sa social media ang “mahiwang timba” na natatanggap linggo-liggo ng mga residente sa Sta. Cruz, Manila.

Isang magandang ideya ang naisip ng mga opisyales sa Brgy. 362 Zone 36 District 3 in Sta. Cruz, Manila upang hindi na mamoblema sa pagkain ang mga residente doon at mapigilan rin ang palagiang pag-alis ng bahay.

Namimigay sila kada Sabado roon ng mahiwagang timba. Kung saan may laman itong sampung kilong bigas, tinapay, gatas, softdrink, canned goods, biskwit, noodlees, dog food, isda at manok na sasapat sa buong linggo.

Photo courtesy: Ann Abella/Facebook

Bukod pa rito, namimigay rin sila araw-araw ng merienda para sa mga residente.

Pagpatak ng alas 3 ng hapon ay nakaantabay agad ang mga residente sa kanilang pintuan upang mag-abang sa libreng merienda.

Photo courtesy: Ann Abella/Facebook
Photo courtesy: Ann Abella/Facebook

Ayon kay barangay chairman Ann Christine Abella, ginagawa nila ito upang maiwasang magsilabasan ang mga tao sa kanilang komunidad at maging ligtas rin sila laban sa COVID-19.

“We are doing everything that we can to ensure that our residents would not need to go outside. We want to lessen the risk of any infection so that means ensuring that they stay away from wet markets, grocery stores, etc.,” saad niya.

“I also want our people to receive the kind of aid that they would be happy to receive. I like to put myself in their position and I often ask myself, ‘If I will be the one who will be receiving the aid, what do I want to receive? What will I feel if I receive this kind of package?’ It may not be very lavish but at least it’s enough to convince them that they don’t need to go out during the lockdown,” dagdag pa niya.

Photo courtesy: Ann Abella/Facebook

Magmula ng magsimula ang enhanced commmunity quarantine ay namahagi na rin ng face masks, face shields, vitamin C, bleach, at gloves ang barangay.

Kaya naman wala ng reklamo pa ang mga residente doon lalo pa at nakakatanggap sila ng sobra-sobrang tulong mula sa kanilang barangay.

Ayon sa ulat ng Inquirer, umabot na ng 56 na beses nakapagbigay ng relief goods ang barangay sa Sta. Cruz, Manila.

Saad ni Abella, ang tulong na kanilang ipinamigay ay hindi lamang galing sa kanilang pondo. Galing rin ang donasyon sa mga mabubuting city officials, concerned citizen, kanilang pamilya at mga kaibigan.

“There is really bayanihan in our community. We share everything. We have the poorest of the poor here and those who belong in the middle class but all of them here receive the same quality and amount of goods. Even if you are not a voter, you are entitled to the relief.”


Loading...