Magkasintahang nagkakilala dahil sa Mobile Legends, ikakasal na

Isang pambihirang pagkakataon ang ibinahagi ng isang netizen kung saan naglaro lang ng Mobile Legends ay biglang nagka-lovelife na at ngayon ay sa simbahan na nga ang kanilang tuloy.

Viral ang Facebook post ni Lou Dela Serna nang ibinahagi niya ang kanyang masayang pag-ibig.

“Nag-ML. Nagka-lovelife. IKAKASAL.I SAID “YES”!”

Image may contain: 2 people, people smiling, people sitting and indoor

Hindi umano niya akalain na may uusbong pag-ibig sa kanilang dalawa ni Renz Reyes na nagsimula langsa paglalaro ng Mobile Legends.

Ngunit batid umano ni Lou na si Renz na ang itinadhana sa kanya dahil simula pa lang nagkakaintindihan na sila sa lahat ng bagay.

Marami rin umano silang pinagdaanan na naging dahilan upang pagtibayin pa ang kanilang relasyon.

Kwento pa ni Lou, sobrang nasaktan siya ng hindi matuloy ang pagsama ni Renz sa kanya sa Singapore para sa FSL Tournament. Handa na umano lahat pati booking at accomodations ngunti dahil nagka-conflict sa schedule at hindi na nakasama ang nobyo.

Mas lalong nasaktan pa umano siya nang hindi sila nag-champion sa tournament.

Ngunit saad ni Lou mapapawi lang daw lahat ng sakit at pagod sa yakap lang ni Renz.

Image may contain: 2 people, people sitting

Kaya naman hindi umano niya inasahan na pagkauwi niya pagbalik ng Pilipinas ay magpo-proposed ang nobyo.

Laking gulat na lang niya dahil akala niya birthday lang niya ang ipagdiriwang nila. Ngunit malaking surpresa pala ng inihanda para sa kanya.

Basahin ang buong lovestory ni Lou at Renz na nagbigay inspirasyon sa mga netizen:

Nag-ML. Nagka-lovelife. IKAKASAL.

I SAID “YES”! ❤️

(Mahaba haba to guys. Pa-isa lang)

Sa dami ng narinig at nawitness kong failed relationship na naganap sa ML. Ito yung masasabi kong naging proof na hindi lahat ganon. Sino ba naman mageexpect na sa kaka-ML ko don ko din makikilala yung FOREVER ko

Una pa lang alam ko naman na na ikaw yung “THE ONE” for me. Nagkakaintindihan tayo sa lahat ng bagay and as we go along… don ko narealize na hindi rin parati masaya. May pagtatalo, may iyakan, may mga bagay na hindi natin gusto mangyari pero nung nangyayari lahat ng yon… mas napatunayan ko na mahal mo talaga ako at mahal talaga kita. Sobrang natutuwa ako kung pano tayo bumangon at kung pano tayo nagtutulungan sa isat isa pag nadadapa tayo.

Hindi ko naman itatago. Hindi maganda simula ng relasyon namin pero alam namin pareho ni Pein nagtake kami ng risk para dito at ngayon.. masasabi ko talaga na worth it lahat lahat ng sinuko namin para magkasama. It made me realize that what I have right now is much better than what I have before. 

Love, thank you kasi ikaw na ikaw yung taong hinihiling ko kay God. I’ve been waiting patiently. Now He gave me you. I love you so much!

So kung akala niyo tapos na kwento ko eto marami pa.  Pwede niyo na hindi basahin tong part na to. 

Ang dami kasing nangyari. Lilipad kami papuntang Singapore for FSL Tournament ng June 6-11. Una nakakatuwa kasi pinayagan kami ng boss na isama siya. Ok na. Nakapagbook na. Biglang after MPL S3 nag-announce na June 19-23 is MSC 2019. Kung sasama pa siya. Hindi enough yung time para magpractice siya with his teammates. Gets ko naman yon. I have to understand and give way. Work na namin to eh. Pero deep inside. Masakit talaga. Di lang masakit sa puso. Masakit din sa bulsa kasi nakapagbook na din kami ng accommodations namin. Pero ganon talaga nangyayari yon. Lalaban pa rin tayo.

Tapos eto na. FSL Tournament na. Bottomline is.. hindi kami naging champion. 3rd place kami sa tournament. Masakit nanaman ulit. Masakit kasi ibinigay mo lahat. Ginalingan mo na. Binuga at pinalabas ko n lahat ng demonyo ko sa katawan ma-steal lang yung lord. Maubos lang ung kalaban. Pero hindi enough. Hindi pa siguro tlg para samin. Pero dpt positive lang tayo eh. Babangon dapat tayo.

Tnry ko naman maging masaya. Bago kami lumipad pabalik ng Pinas. Nag-Universal Studios kami. Yung totoo 2 rides lang napuntahan ko kasi wala mahina na din talaga puso ko. Nadepress pa ko kasi don ko nafeel na hindi na tulad ng dati ung katawan ko. Yung worry ko sa health ko yung dahilan ng anxiety attacks ko. Pero bangon lang ulit. Humihinga pa ko. Lalaban lang tayo ulit.

Pagbalik ko ng Pinas ineexpect ko lang tlg mayakap ko si Pein para mawala n lahat ng lungkot sa katawan ko. Wala tlg akong idea na paguwi ko, magppropose na siya. 2hours of sleep lang meron ako. Sa plane na kami natulog after USS. Uuwi ka wala ka nang ganda kasi kinain k n ng pagod. Paguwi ko ng unit. Biglang may happy birthday na kanta. With cakes and video preparations ni Pein. Tapos may nakalagay sa video ng “To be continued…” (Hindi pa rin ako aware) Akala ko kasi may lalabas pa sa screen pero hinihila n nila ko sa kwarto. Nililingunan ko p rin ung screen. Bangag n nga talaga kasi ako sa antok  Tapos pagbukas ng pinto una ko pang napansin is ung hanging balloons with pictures namin. Una ko pang tanong “Sino nagpaprint ng pictures?”  Tapos next ko napansin ung bulaklak. Tpos niyakap ako ni Pein nagthank you ako. Don ko lang nabasa ung “Will you marry me” niya kasi ineexpect ko Happy Birthday nakalagay don kasi nga birthday ko. Ayon nga bangag na tlg ako. Hahaha. Tapos ayon naaaaa. Engaged na ko! 

Super thank you sa lahat ng mga tumulong kay Renz Reyes to make this happen. Alam kong hindi niya to magagawa without you guys

Loading...