Magkapatid sa Batangas, nasawi matapos tamaan ng kidlat

Nagluluksa ang ngayon ang mag-asawang taga Batangas matapos mam4t4y ang kanilang dalawang anak na babae matapos itong tamaan ng kidlat sa Laurel, Batangas.

Hindi inakala ng mag-asawang ason at Maria Magsino na kidlat ang babawi sa buhay ng kanilang anak.

Ayon sa ulat na kwento ng ina, umakyat ng bundok ang dalawang magkapatid mga alas 10 ng umaga para manguha ng buko at mangga na gagamiting sangkap sa sumang ibinebenta.

Ngunit inabutan umano ang dalawa ng malakas na ulan kaya sumilong ang mga ito sa isang kubo.

Photo courtesy: ABS-CBN

Doon ay tinamaan ng kidlat ang magkapatid na sina Kathlene, 15 anyos, at Kheycee, 13 anyos.

Dinala agad sa ospital ang dalawa ngunit idineklara ng dead on arrival ng doktor.

Ayon naman sa imbestigasyon ng mga pulis, lumalabas na isa sa magkapatid ay may dalang cellphone kaya sila tinamaan ng kidlat.

Ito ay matapos nilang makitang may basag ang cellphone matapos mangyari ang insidente.

Loading...