Magkapatid na natutulog sa lansangan habang nagtitinda ng sampagita, viral online

Umantig ng damdamin ng mga netizen ang dalawang magkapatid na natutulog lamang sa tabi ng kalsada at may hawak pang tinda na sampagita.

Hindi mapigilan ng ilan ang maluha sa kalagayan ng dalawang magkapatid kung saan ay natutulog lang sila sa daan. Makikitang tila kapwa pagod ang magkapatid kaya nakatulog na sila doon.

Tila basang-basa rin sila sa ulan. Ang batang babae ay karga-karga niya ang kanyang nakababatang kapatid na natutulog lang sa kanyang balikat.

Photo courtesy: Nahara Pagayawan/Facebook

Naaawa ang marami sa kanilang kalagayan dahil sa murang edad ay bakas na sa kanila ang kahirapan.

Maraming nagsasabi na mapanganib sa kanila ang nasa lansangan, ngunit batid naman ng marami na wala silang pagpipilian dahil na rin sa hirap ng buhay.

Kaya kahit mahirap ay kumakayod pa rin ang batang babae kasama ang kapatid.

Photo courtesy: Nahara Pagayawan/Facebook
Photo courtesy: Nahara Pagayawan/Facebook

Marahil walang magbabantay sa kapatid kaya napilitang isama na lang sa pagtitinda ng batang babae.

Marahil upang makatulong sa kanilang mga magulang kaya nagtinda sila ng sampagita.

Ang post ay ibinahagi ni Nahara Pagayawan. Aniya, nasasaktan siya ilang ina habang nakikita ang magkapatid. Kaya hiling niya sana’y maraming tumulong sa mga bata.

Basahin ang kanyang buong post:

Allah blessed you ma’am Michelle Khader

This is so heart breaking for me as a mother Yung hindi naman nila kasalanan na nabuhay sila sa mundo pero they need it for a living.

Please help to share po diko maishare kyacg copy paste ko nalang..#raffytulfoinactionfacebookpage

Loading...