Magkapatid minamaltrato ng kanilang madrasta

Halos hindi na makilala ang dalawang bata dahil sa tinamong mga sugat sa kanilang buong katawan matapos maltratuhin ng kanilang madrasta.

Nananawan sa publiko si Michael Pobadora Rosario upang makahingi ng tulong na maipagamot ang magkapatid dahil sa nakakaawang kalagayan ng dalawa.

Mga pasa sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, sugat sa may ulo at tenga, nabaling mga kamay, mga peklat at nguso na tadtad ng sugat.

Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook

Hirap ilarawan ang hitsura ng mga bata ngunit ang sigurado rito ay kalunos-lunos ang kanilang sinapit sa kamay ng kanilang madrasta.

Kinalbo na rin sila ni Rosario upang makita ang mga bagong sugat sa kanilang ulo. Mababakas rin sa mga peklat sa kanilang mga ulo na matagal na silang nakakaranas ng karahasan.

Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook
Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook

Ayon sa video na ibinahagi ni Rosario, nagsimula ang pang-aabvs0 sa kanila noong nagsimula ang lockdown dahil sa COVID-19.

Mag-iisang taon ring nagdusa ang magkapatid. Ayon sa kwento, nakatakas ang lalaki at nakapagsumbong sa kamag-anak kaya naman nasagip sila.

Nagpupuyos sa galit ang mga netizens dahil sa walang awang sinapit ng magkapatid sa kanilang madrasta.

Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook

Sa ngayon umabot na sa mahigit 114,000 ang nagshare ng naturang post.

Sa comment section, saad ni Jopay Emz, dumulog na sila kay idol Raffy Tulfo at naimbitahan na sila sa kanilang programa. Lunes, Pebrero 8 ay makikita sila live upang makapanayam ni Tulfo.

JOpay Emz 168 Banaba Street Amparo Brgy 179 Caloocan City.Sa mga nagtatanung Po Kung napaMedical na tapOs na Po Bukas Citiscan nila.bukas din Po Live kaMi sa Raffy Tulfo Channel 5 at 10am..Salamat Po.”

For reference, panoorin ang video at tingnan ang kalagayan ng dalawang magkapatid:

Samantala, narito naman ang hitsura ng madrasta ng mga bata.

Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook
Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook
Photo courtesy: Michael Pobadora Rosario /Facebook
Loading...