Magbabalut sa Valenzuela, gumawa ng sariling ‘drum car’

Viral ngayon online ang improvised na sasakyan ng isang magbabalut sa Valenzuela City.

Namangha ang mga netizen ng makita ang sariling gawang “drum car” ng magbabalut.

Sa panayam ng GMA news, sinabi ni Rolando Barrientos, may-ari ng gawang sasakyan na kaya ginawa niya ito dahil noong nagsimula ang pandemya ay pahirapan ang paghahanap ng masasakyan.

Bilang isang mangangalakal rin, kaya naisipan niyang gumawa ng sasakyan na pormang jeep.

Credits: All About Wheels Manila /Facebook

Kwento niya, nanghihinayang siya na itapon ang motorsiklo ng masira ito. Kaya naisipan niyang gumawa nalang ng sasakyan upang mapakinabangan pa niya ang ibang parte ng motor na maaari pang magamit.

Credits: All About Wheels Manila /Facebook

Ang kanyang sasakyan ay gawa mula sa patapong bakal at motorcycle parts.

Samantala, ang katawan naman ng kanyang sasakyan ay gawa sa drum ng tubig at sa frame ng LED TV ang windshield nito.

Credits: All About Wheels Manila /Facebook

Ang mga gulong naman nito ay mula naman sa nasirang electric bike. Humanga naman ang mga netizen kay tatay Rolando dahil sa abilidad nito ay nakagawa ito ng sariling sasakyan.

Credits: All About Wheels Manila /Facebook

Dahil sa creativeness ni tatay ay mayroon na siyang sariling sasakyan. Hindi man niya mabili ang kanyang dream car, mayroon naman siyang “drum car.”

Loading...