Lyca Gairanod, sinurpresa at tinulungan ang isang lola na nakasama niya noon sa pangangalakal

Binalikan ni Lyca Gairanod ang isang matandang babae na nakasama niya noon sa pangangalakal. At higit pa rito ay nagpa-abot rin siya ng tulong sa matanda.

Napabilib si Lyca sa pagpupursigi ni Lola Ising kahit may edad na ito ay patuloy pa rin itong nangangalakal.

Aniya, noong maliit pa lang siya habang nangangalakal ay nakakasama na niya ito. Naawa umano siya sa kalagayan ng matanda dahil patuloy pa rin ito sa pagtatrabaho.

Sa vlog ni Lyca, nagbalik-tanaw rin siya sa kanyang karanasan noong panahon na nangangalakal pa lamang siya.

Aniya, hindi madali ang kanilang pinagdadaanan ngunit nalampasan nila ito ng mapasali siya sa The Voice kids. Dahil sa singing contest na iyon ay nagbago ang kanilang buhay.

Credit: Lyca Gairanod/Youtube

Naging kampeon si Lyca Gairanod sa The Voice kids noong 2014. Dahil rito ay umangat ang kanilang buhay at nakapagpundar siya ng maraming ari-arian.

Ayon kay Lyca, madalas niya pa ring nakikita si Lola Ising na nangangalakal kaya naman nais niyang tulungan ito upang kahit papaano ay makapagbigay siya ng saya at ginhawa sa matanda.

Credit: Lyca Gairanod/Youtube

Ipinakita ni Lyca sa kanyang vlog ang pamimili niya ng groceries kay lola. Mayroong mga bigas, kape, asukal, de lata, noodles at prutas rin.

Sa kanyang pagbisita kay lola ay nakipagkwentohan si Lyca at napag-alaman niyang mahigit 30 na taon na pala itong nangangalakal.

Nang makita ni Lola Ising ang surpresa ni Lyca at halos mapaiyak si lola sa saya dahil hindi niya akalain na makakatanggap siya ng regalo mula rito.

Credit: Lyca Gairanod/Youtube

Maaninag sa mukha ni lola ang tuwa at galak dahil hindi na nila porpoblemahin sa ngayon ang kanilang makkain. Aniya, may s4kit umano siya noong bumisita si Lyca kaya nasa bahay muna siya at nagpapahinga.

Saad ni lola, kahit matanda na siya ay kinakailangan pa rin niyang kumayod upang may makain sila sa pang araw-araw.

Natuwa at nagpasalamat naman ang mga netizen sa pagtulong ni Lyca sa matanda. Lalo pa at nakita nila kung gaano kahirap ang buhay nito.

Panoorin ang buong kwento:

Loading...