Lumutang na! OFW Nurse na suspek sa pagpaslang sa misis ng kanyang kalaguyo, sumuko na

49166

Maganda ang naging resulta ng pag-ere ng programang Raffy Tulfo in action sa paghahanap sa suspek na pumaslang sa sa isang insurance manager sa Isabela.

Ang suspek ay ang kabit ng mister ng biktimang si Kristine Diego.

Nitong Miyerkules, dumulog kay sir Tulfo ang kapatid ng biktima upang tulungan siyang mahuli ang nagtatagong si Vina Rose Mamuri Santiago sa Riyadh.

Nagkaroon umano ng limang taong relasyon ang mister ng biktima na si Darius Diego at Vina Rose.

Ang nakikitang motibo ng pagpatay ay nang dahil sa selos. Pinuntahan umano ng suspek ang biktima sa pinagtatrabahuan nito.

Itinuro ang suspek dahil sa nakitang CCTV footage kung saan nakita si Santiago na naglalakad papalayo ilang minuto matapos ang krimen.

Noong Miyerkules rin ay lumutang ang suspek si Santiago. Nagtungo umano ito sa Philippine Embassy sa Riyadh kasama ang representative ng ospital na pinagtrabahuan sa Saudi.

Humingi umano ng tulong ang suspek para makauwi na si Pilipinas. Ang balitang iyon ay ipinarating sa Tulfo ni Vice Consulate ng Philippine Embassy sa Riyadh na si Atty. Von Ferrera.

Ayon naman sa programang Tulfo, sinabihan na nila ang kapulisan sa Roxas, Isabela tungkol sa balitang kanilang natanggap.

Image may contain: 1 person, smiling, closeup

Samantala, sa bagong karagdagang impormasyon ay nakakuha na rin umano ang programa ng kopya ng CCTV sa nangyaring krimen.

Mukhang sangkot rin sa krimen ang mister na si Daruis dahil may nakitang lalaki na nakasuot ng helmet papasok ng building bago ang pagpaslang.

Ang kulay orange na motor na nakaparada s alabas ng gusali ay siya ring kulay ng motor na pag-aari ni Darius.

Ilang minuto pa umano ay may babaeng naka balabal kulay violet at isa pang lalaki ang sumunod na pumasok sa gusali papunta sa opisina ni Kristine.

Image may contain: 1 person, smiling, closeup
Photo from Clever Brain Farts

Image may contain: 1 person, smiling

Photo from Clever Brain Farts

Basahin ang bagong update:

“Nakakuha ng kopya ng CCTV footage ang Raffy Tulfo In Action na kuha sa labas ng opisina ni Kristine bago siya mapaslang. Ito ay may habang 3:00 mins.

Una, sa 0:16 makikitang lumabas ng opisina ni Kristine ang isang lalaki na naka backpack at may kinuha sa kulay orange na motor na nakaparada sa labas mismo ng opisina ni Kristine at agad pumasok muli. Di makikilala ang lalaki dahil ang anggulo ng kuha ng CCTV ay galing sa itaas at di sapul ang mukha.

Pero ayon sa NBI, kulay orange rin ang motor ni Darius, asawa ni Kristine.

At sa 1:42 dumating ang isang babae na may balabal na kulay violet sa ulo at naka jacket. May kasama siyang isang lalake na naka jacket din at kulay grey. Sabay silang pumasok sa opisina ni Kristine. 

At sa 2:07 makikita ang isang babaeng tumatakbo papalayo. Nanggaling siya sa ibang parte ng building at dumaan sa harap ng opisina ni Kristine. Wala itong takip sa ulo at may bitbit na jacket at kita ang kanyang mukha, na ayon kay Isabela NBI Director Timoteo Rejano ay si Vina Rose. 

Hanggang sa nagtapos ang CCTV footage, pagkatapos ng makunan ang tumatakbong babae, naroon pa rin na nakaparada sa labas ang kulay orange na motor at di na nakitang lumabas ang may-ari nito pati na ang lalaking pumasok na kasabay ng babaeng may balabal sa ulo.”

Facebook Comments