LOOK: Binatilyo, pinag-community service ng MMDA dahil sa pagtatapon ng basura sa Manila Bay

Pinagpyestahan ngayon sa social media ang isang binaltiyo dahil sa pagkakahuli nito matapos magtapon ng balat ng ice candy sa Manila Bay.

Nitong Lunes, nasampolan ng mga MMDA ang isang lalaki dahil sa pagkakalat nito sa baybayin.

Malinis na ang Manila Bay ngayon dahil sa tulong ng mga volunteers na nakilahok sa clean up drive upang buhayin muli ito.

Kung noon puro kalat at basura ang matatagpuan doon, ngayon naman ay puro turista ang naroon upang dayuhin ang magandang tanawin.

Ngunit nahuli ang isang binatilyo ngayon dahil sa pagtatapon ng balat ng ice candy.

Hindi naman pinangalanan ang lalaki ngunit nakuhanan ito ng larawan.

Natuwa naman ang mga netizens dahil maagap na ipinapatupad ng lungsod ang kalinisan sa baybayin.

Ito ay isang magandang polisiya upang mapanatili ang malinis at kagandahan ng Manila bay.

Kung dati ay tambak ito ng basura ngayon ay naging pasyalan na ito ng mga tao.

Subali’t ipinagbabawal pa rin ng DOH ang pagdoon doon dahil kontaminado pa rin ang tubig roon na hindi pa lubusang malinis.

Bukod pa rito, namahagi ng flyers ang mga MMDA kung saan nakalagay na ipinagbabawal ang pagtatapon ng basura sa nasabing lugar.

No photo description available.

Nakasulat rin ang mga multa kung sakaling mahuling nagtatapon ng basura.

No photo description available.
Loading...