Lolong nagdedeliver ng ice, nanlumo sa inipong halos P50k dahil inanay ito

Nanlumo ang isang lolo matapos niyang madiskubre na ang mga inipong pera ay inanay pa pala sa kanyang cabinet.

Si Lolo Adonis ay kumikita sa pagdedeliver ng ice. Kaya kapag may kita siya ay nagtatabi siya rito ng kaunti para may magamit siya kapag may emergency.

“Sa kinikita ko sa ice delivery, nagtatabi ako paunti-unti. Pang emergency ba,” saad ni lolo Adonis.

Kwento ni lolo, ang mga iniipon niyang pera ay inilalagay niya sa isang plastic at itinatago sa cabinet dahil wala siyang ibang mapaglagyan rito.

Credits: KMJS/Facebook

Noong naisipang linisin ni lolo ang kanyang cabinet ay may nakita siyang mga anay.

Nang kinuha na niya lahat niyang mga gamit, nadiskubre niya na ang kanyang perang inipon ay inanay na rin pala.

“Doon ko na nakita pati ‘yun ipon ko, puro inanay na rin. Almost P50,000 ‘yun.”

Credits: KMJS/Facebook

Laking panghihinayang ni lolo ng makita na ang kanyang pinaghirapang pera ay hindi na magagamit pa. Nasa halos P50,000 umano ang naipon niyang pera.

Saad niya, tatlong beses na siyang nagpabalik balik sa bangko ngunit bigo siyang papalitan ito. Naubusan na ng pag-asa si lolo dahil tingin niya hindi na maibabalik pa ang kanyang naipon.

Credits: KMJS/Facebook

Nanghinayang ang matanda dahil ilang taon niya ring pinagpaguran ang perang iyon at mauuwi lamang sa wala.

“Naisip ko, wala na ‘to. Hindi na maibabalik sa akin ‘tong perang buo,” pahayag ni lolo.

“Nanghihinayang po ako. Kasi siyempre pinagpawisan ko po ‘yun eh.”

Loading...