Lolo, proud na nakapagtapos ng Junior High school sa edad na 80-anyos

Maraming netizen ang napa-wow sa isang 80-anyos na lolo dahil nagawa nitong makapagtapos ng Junior high school.

Kahit may edad na ay magawa pang mag-aral at makapagtapos ng Junior High si lolo Philo.

Si Teofilo Bonites Sr. o mas kilala bilang tatay Philo ay pinatunayang “age is just a number.”

Sa larangan ng edukasyon, patunay lamang na hindi ito hadlang upang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa viral photo makikita ang graduation picture ni lolo na nakasuot ng puting toga.

Isang magandang ehemplo si tatay Philo sa mga kabataan at mga kababayan na hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Credits: Chona Recto/Facebook

Masasabing kapag may pangarap sa buhay ay walang imposible rito basta’t sabayan din ng sipag at tiyaga.

Si tatay Philo ay nakapagtapos sa DepEd Alternative Learning System sa Gasan District sa Marinduque.

Sa edad na 80-anyos ay natapos rin ni lolo ang kanyang Junior high at moving up na siya para sa kanyang senior high.

Credits: Chona Recto/Facebook

Ayon kay lolo, nais niyang tapusin ang pag-aaral. Kaya kahit senior citizen na siya ay ipagpapatuloy niya ang Senior high hanggang sa mag kolehiyo siya.

Pangarap niya umano maging isang journalist balang araw kaya nais niyang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Napahanga naman ang mga netizen sa dedikasyon ni lolo na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Isa umano itong tagumpay dahil sa kabila ng kanyang edad ay nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Loading...