Lolo na nakatira sa Manila bay: “Hindi kami takot sa virus, mas takot kami sa gutom”

Sa gitna ng banta ng nakakahawang sakit na coronavirus ay nagkaroon na rin ng mga kautusang enhanced community quarantine upang matiyak ang kaligtasan ng mga tao sa bansa.

Ang mga paliparan at daungan ay pansamantalang ipinahinto na rin ang operasyon.

Kahit ang pagbyahe ng mga bus o jeep o kaya’y pagbubukas ng mga malls ay pinapatigil na rin upang maiwasang kumalat pa ang coronavirus.

Payo ng Department of Health sa publiko, manatiling nasa loob lang ng bahay, ugaliing maghugas lagi ng kamay o mag-alcohol, huwag pumunta sa matataong lugar, magsuot ng face mask at ipinapatupad rin ngayon ang social distancing.

Photo Courtesy of Jes Aznar

Kanya-kanya man ang bawat pinoy sa paghahanda bilang tugon sa lockdown at pag-iwas sa nakakahawang sakit, may mga ibang kapwa pinoy naman ang naghihirap din dahil sa kawalan ng tirahan.

Photo Courtesy of Jes Aznar

Gaya na lamang ng ibinahaging mga larawan ni Jes Aznar kung saan makikita natin ang realidad ng buhay ng ating ilang kapwa kababayan.

Sa mga larawan, may mga matatanda lalaki at babae kung saan palaboy lamang sa lansangan ng Manila bay.

Photo Courtesy of Jes Aznar

Ipinakita ni Aznar ang kalagayan ng ilang pinoy kung saan nais man nilang sundin ang mga awtoridad ukol sa ipinapatupad na quarantine ay wala naman silang magagawa dahil wala silang mauwian.

Natutulog lamang sila sa may semento na ang tanging hapin ay karton, walang unan at walang bubong na masisilungan.

Sa Facebook post ni Aznar, nakausap niya ang isang 68 anyos na palaboy. Aniya, pinayuhan na silang manatili sa loob ng kanilang bahay ngunit wala naman umano silang tirahan.

Saad pa ni Lolo Lamson, hindi sila takot sa coronavirus dahil mas takot silang magutom.

“We’re not afraid of the virus. We’re more afraid of hunger and the elements.”

Basahin ang buong post:

“Elderly and homeless persons flock to Manila bay boardwalk to take shelter from the threat of the novel Coronavirus. “Authorities told us to stay home. We have no home,” says 68 year old Lamson. “We’re not afraid of the virus. We’re more afraid of hunger and the elements.”

Loading...