Lolo na nagdiwang ng kanyang ika-101 anyos, imbes maghanda ng bongga ay mamigay ng sako-sakong bigas para makatulong sa iba

Kinabiliban ngayon online ang isang lolo sa Laguna dahil imbes kasi na magpa-party ng bongga para sa kanyang ika-101 na taong gulang, naisipan ni Lolo Diego Celuz na magbigay na lamang para makatulong sa iba.

Sa kanyang kaarawan ay namahagi si Lolo Diego ng 20 sakong bigas, tsokolate at tinapay sa mga nangangailangan. Ipinambili ni lolo ng sako-sakong bigas ang kanyang pensi0n na natanggap.

Saad ni lolo, maligaya umano siya dahil biyayaan siya ng marami ng Panginoon kaya naman nais niyang ipamahagi rin ito.

“I’m very happy because I know that the Lord is the one blessing me so I should share it to others,” saad ni Lolo Diego.

Credit: Wyeth Apejas/ Facebook

Nanirahan ng mahabang panahon si lolo sa Amerika at nagbalik lamang sa Pilipinas noong siya’y 90 anyos na. Dati umano siyang magsasaka noon, ngunit dahil sa kanyang pagsisik4p ay dinala siya ng kanyang kapalaran sa ibang bansa. Doon rin nanirahan ang kanyang pamilya.

Nagdesisyon si lolo na umuwi na ng bansa. Gamit ang kanyang naipon ay nagtayo siya sa paaralan, ang Luisiana Adventist Elementary School.

Ayon naman sa prinsipal ng paaralan, mula paman noon ay matulungin na si lolo Diego. Marami na umanong skolars si lolo at kahit may edad na ay pinagluluto rin sila nito ng agahan kapag maaga itong nagising.

“Mula nang maliit ako hanggang sa ako’y lumaki at nakatapos ng pag-aaral, tuloy-tuloy po ang kanyang pagtulong. Marami rin po siyang scholars dito,” saad ni Principal Wyeth Apejas.

“Tunay na ipinakilala niya po sa amin ang Panginoon sa pamamagitan po ng [kanyang] buhay. Maraming salamat po.”

Ang pamilya rin ni Apejas ang naging pamilya ni Lolo Diego sa bansa. Sa paaralan na kanyang paaralan siya naninirahan ngayon.

Loading...