Lolo na abot-tenga ang ngiti ng makita ang laman ng kanyang regalo, umantig sa mga netizen

Nag-viral sa social media ang video ng isang lolo kung saan ay abot-tenga ang kanyang ngiti dahil sa natanggap na regalo. Maraming netizen ang na-touch dahil sa tugon ni lolo habang hinihila ang pinagdugtong na grocery items.

Malaking biyaya na ang tingin ni lolo rito. Sa simpleng mga pagkain na kanyang pangangailangan sa araw-araw ay isa nang biyaya ang makatanggap noon.

Isang patunay na simple lang ang kaligayahan ni lolo. At dahil rito ay naghatid ng tuwa sa puso ng mga netizen. Marahil kontento na ang matanda sa kanyang buhya kaya naman sa simpleng regalo ay naghatid na ng tuwa para sa kanya.

Credit: SuperMom / Facebook

Isang inspirasyon na maituturing si lolo sa karamihan. Dahil isa itong paalala sa atin na maging mapagpasalamat tayo sa mga maliit na bagay na ating natatanggap mula sa Maykapal.

Samantala, ang laman ng natanggap na regalo ni lolo ay mga sabon, biskwit, kape, gatas, toothpaste, shampoo at may kaunting kalakip na pera.

Credit: SuperMom / Facebook

Nagbigay naman ang mga netizen ng birthday wish para kay tatay. Masaya sila na makitang masayang masaya si lolo sa kanyang natanggap. Hangad nila ay bigyan pa ng magandang kalusugan at makatanggap pa ng maraming biyaya.

Credit: SuperMom / Facebook

Umabot naman ng mahigit 17,000 ang nag-share sa naturang video na ibinahagi ng SuperMom Facebook page.

Happy birthday, tatay! God bless you.

Loading...