Lolo hinimatay habang nakapila sa community pantry; DOA na sa ospital

Isang senior citizen ang agad na sinaklolohan matapos itong himatayin habang nakapila sa community pantry na inilunsad ng aktres na si Angel Locsin.

Ang matanda ay kinilalang si Rolando dela Cruz, 67 anyos. Nakapila umano sa pantry sa Quezon City si tatay Rolanda ng bigla na lang itong himitayin.

Ang nakakalungkot lang ay hindi na ito nakaabot pa ng ospital. Hinimatay ang matanda dahil sa siksikan ng tao at sa init.

Ayon sa isang barangay official, idineklara ng dead on arrival si dela Cruz sa East Avenue Medical Center.

Photo courtesy: News5/Facebook
Photo courtesy: News5/Facebook

Pumila marahil ang matanda sa pagbabakasakaling makauwi ng pagkain mula sa pantry.

Makikita sa larawan ang pagsaklolo sa matanda habang nakahandusay ito sa tabi ng daan.

Ayon sa ulat ng PTV, inilunsad ni Locsin ang pantry bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Kaya naman ay dinagsa ito ng maraming tao.

Nakapila na rin umano si tatay Rolando madaling araw pa lamang kasama ang ilang mga taong nakapila rin.

Naglipana na ngayon sa buong bansa ang community pantry. Ito ay inilunsad upang mag-abot ng tulong at makapagbigay ng tulong sa mga mamamayang naghihikahos nang dahil sa pandemya.

Loading...