Lolo at lolang nakatira lang sa sirang tent, kinalimutan na raw ng kanilang mga anak

Napaiyak nalang bigla ang isang lola habang inaalala ang dalawang anak na matagal na umanong wala ng komunikasyon sa kanila.

Sa ibinahaging video ni radio anchor Archie Hilario, nakapanayam niya ang isang lola at lolo na taga Linabuan Norte, Kalibo, Aklan.

Makikita sa video kung kagaano kahirap ang pamumuhay ng dalawang matanda. Nakatira lamang sila ngayon sa isang tent na sira-sira.

Ayon kay lola, nakakaraos rin sila kahit sa hirap ng buhay. Sa tulong ng isang anak nila ay natutulungan rin naman sila.

Ngunit dahil may pamilya na rin ito ay kapos rin ito sa buhay. Lalo pa at namamasukan lang rin ito malapit sa kanilang tinitirahan.

Nais sanang patayuan ng bahay ni Hilario ang matatanda, ngunit hindi umano posible ito dahil hindi sa kanila ang lupang tinitirhan.

Nakikiigib lang rin sila ng tubig sa poso ng kanilang kapitbahay. Ang pang-inum umano na tubig nila ay galing sa isang anak nila.

“‘Yun lng ang nagbibigay sa amin. Kung mayroon lang, kung wala pasensya kami,” saad ni lola.

Ayon kay lola, may dalawang anak pa siya na nasa Maynila ngunit wala na silang balita dito.

Habang nagkwe-kwento napaiyak na lamang si lola ng maalala ang mga anak. Aniya, kahit sulat lamang daw mula sa mga anak ay masaya na sila mag-asawa.

Hindi naman daw masama ang loob nila pero kahit sulat man lang sana ay padalhan sila.

Hindi mapigilan ni lola ang maging emosyonal habang inaalala ang dalawang anak. Tanging alam niya lang ay nasa Maynila ang mga ito ngunit hindi niya alam kung saan nakatira.

Naantig naman ang damdamin ng mga netizen sa kalagayan ni lolo at lola. Hangad nila na makita pa nila ang kanilang mga anak, lalo’t matatanda na sila.

Nais rin tumulong at magpaabot ng tulong ang ilan sa mga netizen.

Dalangin naman ng ilan ay bumuhos ang tulong sa dalawang matanda upang maging maayos ang kanilang tirahan at kalagayan.

Panoorin ang buong video:

Loading...