Lolang nagbebenta ng unan at plastic bottles para may makain, viral online

Isang lola ang umantig sa puso ng mga netizen matapos matunghayan ang kanyang kwento.

Napaluha ang karamihan sa mga netizen nang ibahagi ni Khaye Pccaster ang kalagayan ng isang lola na kanilang nadaanan sa may Bauang, La Union.

Kwento ni Khaye, nilalakbay nila ang daan ng mapansin nila ang isang lola na naglalakad habang umuulan at may daladalang supot.

Dahil naawa sila, ihintuan nila at tinanong kung saan nakatira upang maihatid sa kanyang bahay.

Photo courtesy: Khaye Pccaster / Facebook

Napag-alaman nila na nagbebenta pala ng plastic bottles at unan si lola. Nakita nila na sira-sira na ang unan na dala niya.

Ayon naman kay lola, nagbebenta siya kahit umuulan upang may pera siyang pambili ng ulam nila.

Photo courtesy: Khaye Pccaster / Facebook

Nadurog umano ang puso nila ng marinig ang paliwanag ni lola.

Kaya naman inalok na nila si lola na ihahatid na nila pauwi. At dahil sa kwento ni lola ay napagpasyahan nilang magkakaibigan na bilhan ng pagkain ang matanda.

Dagdag pa niya, nag ambag-ambag rin sila para kahit papano ay makatulong ito sa pamilya ni lola.

Saad ni Khaye, bumili sila sa nadaanang tindahan ng mga de lata at tinapay upang ibigay kay lola.

Natunghayan rin nila ang hirap sa daan na tinatahak ni lola patungo sa kanilang bahay. Mahirap umano lalo na kung umuulan dahil maputik at madulas doon.

Photo courtesy: Khaye Pccaster / Facebook

Napag-alaman rin nila na nagbebenta ng kung ano-ano si lola para lang magkapera.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Khaye, makikitang inihatid nila si lola hanggang sa bahay nito.

Doon ay napaluha daw sila matapos makita ang sitwasyon ng pamilya ni lola.

Photo courtesy: Khaye Pccaster / Facebook

Aniya, nakakaawa ang kalagayan ni lola at kanyang pamilya dahil may kapansanan umano ang anak nito. Nakatira lamang sila sa isang munting bahay kasama rin ang kanyang apo na lalaki.

Photo courtesy: Khaye Pccaster / Facebook

Kaya naman sobrang bilib nila sa matanda dahil sa edad ni lola ay nagsusumikap pa rin ito para lang matuguman ang pangangailangan nila araw-araw.

Hinangaan naman ng mga netizen ang pagtulong ng grupo ni Khaye sa matanda. Dasal nila na matulungan sila at gabayan pa siya at ang kanyang pamilya.

Loading...