Lola, napaiyak dahil walang mabiling face mask; Isang Lalaki, tumulong

Isang nakakaiyak na tagpo ang naungyahan ng mga netizen matapos mapaiyak ang isang ginang dahil sa wala siyang mabiling face mask sa mga pamilihan ng China.

Epekto ng pagkakaroon ng outbreak ng 2019 novel coronavirus na nagmula sa China, nagkakaubusan o kaya’y ibinebenta na ng mas mahal ngayon ang mga face mask matapos mag-panic buying ang mga tao dahil sa takot.

Kaya naman napaiyak na lang sa lungkot ang isang ginang habang kausap ang isang lalaki.

Photo courtesy: Kim Ann Ah/Facebook
Photo courtesy: Kim Ann Ah/Facebook

Nakasakay sa isang pampublikong bus ang isang ginang ng dumating ang isang lalaki at tanungin kung bakit wala siyang suot-suot na mask.

Doon na naging emosyonal ang ginang. Ayon sa post ni Kim Ann Ah, hindi na nakabili ang matanda dahil mahal na ibinebenta doon ang mga face mask at wala na siyang mapagbilhang mura pa.

Mabuti na lamang at dumating ang isang good samaritan na lalaki at binigyan niya ng libreng face mask ang ginang.

Photo courtesy: Kim Ann Ah/Facebook

Laking pasasalamat naman ng babae dahil may taong tumulong sa kanya.

Photo courtesy: Kim Ann Ah/Facebook

Nadurog naman ang damdamin ng mga netizen sa kanilang natungyahan.

Sa nangyayari ngayon, mas mainam pa rin na pairalin ng tao ang pagiging matulungin at pagkakapwa-tao.

Loading...