Landlady nilibre ang 1 buwang renta at namigay ng pera sa kanyang mga tenants

Sunod-sunod na ang balita kung saan nanglilibre na ng renta ang mga may-ari ng bahay ngayon.

Kaya naman tutuwang-tuwa ang mga netizen dahil sa panahon ngayon ay dumarami rin ang mga mapag-unawa at mababait na landlord at landlady.

Hinangaan ngayon online ang isang landlady kung saan nilibre na niya ng isang buwan ang upa ay nagbigay pa siya ng pera sa kanyang mga tenants.

Umani ng maraming papuri ang post na ibinahagi ni netizen Ryoko Montreal na ibinahagi rin ng News5 kung saan umabot na ito ng 14,000 shares.

Makikita sa larawan ang P500 na bigay umano ng may-ari na si Nanay Preciosa ng Meycauayan, Bulacan.

Photo courtesy: Ryoko Montreal/ Facebook

Laking pasasalamat nila Ryoko sa kabutihan ng kanilang landlady. Bukod sa nagbigay na ito ng pera upang may panggastos sila sa gitna ng enhanced community quarantine, nilibre pa nito ng isang buwan ang renta nila sa bahay.

Bukod na pinagpala ngayon ang mga tenants ni Nanay Preciosa dahil sa kanyang malasakait, ngunit mas higit na swerte ang kanyang mga tenants dahil mayroon silang katulad niya na landlady.

Malaki ng tulong ang ginawa ng landlady dahil makakatipid ng renta ang kanyang mga tenants. Lalo pa at walang trabaho ngayon at kailangan pang mag-imbak ng pagkain sa bahay.

Loading...