Lalaking palaboy, kinupkop, pinaliguan, ginupitan at pinakain ng mga sakristan

Maraming na-inspired na mga netizen sa pagmamalakit ng mga sakristan sa isang lalaking palaboy sa Davao de Oro.

Nag-viral kamakailan lang ang nakakaantig na larawan ng mga saktistan kasama ang isang palaboy.

Imbes na pandirian ito kagaya ng ginagawa ng maraming tao ay nagmalasakit pa ang mga sakristan sa palaboy.

Sa San Roque Parish sa Mawab, Davao de Oro, pitong sakristan ang nagtulong-tulong na linisin ang isang palaboy na lalaki.

Nakaramdam ng awa ang mga binatang sakristan sa palaboy kaya naman sa tulong nila at ng simbahan ay pinaliguan, binihisan, ginupitan ng buhok at pinakain nila ang isang palaboy.

Ang dating marumi at madungis na lalaki ay isa ng kaaya-ayang tingnan. Pinatuloy nila ang palaboy na si Totong sa kanilang kumbento. Sa mga larawan, makikita kung paano nilinis ng mga binata ang lalaki.

Si tatay Totong ay may mahabang buhok at bigote. Marumi na ang kanyang katawan pati na rin ang suot na damit.

Kaya naman ibang-iba na ang kanyang hitsura ngayon na nakaligo na, bagong gupit at nakabihis na. Malayo sa dating itsura na dugyot pa siya tingnan.

Nasa pangangalaga na siya ngayon ng simbahan ng San Roque Parish. Maligaya ang mga sakristan dahil sa simpleng paraan ay malaki ang kanilang naitulong kay tatay Totong.

Ang dating pinangdidirian ng marami, ngayon ay marami ng bumabati.

Makikita rin ang malaking ngiti ni tatay sa mga latawan kasama ang mga sakristan na tumulong sa kanya.

Guminhawa na ang kanyang pakiramdam dahil siya’y malinis at nakakain pa. Masaya rin ito dahil may mapagsisilungan na siya at bagong pamilya.

Nagalak naman ang mga netizen dahil natulungan ng mga sakristan ang matanda. Hindi lamang pagkain ang naibigay nila kundi isang pamilya na rin.

Isang bagong buhay ito para kay tatay Totong na may nagbukas-palad sa kanya at naging parte ulit ng komunidad.

Marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagpalaboy- laboy dahil wala ng pamilyang mauuwian. Kasadalan ay inabandona na sila ng kanilang pamilya.

Ang kadalasang nahihirapan ay ang mga matatanda dahil hindi na nila kaya pang kumayod at maghanapbuhay. Kaya ang nangyayari ay nanglilimos na lamang sila sa daan. Kaya mapalad si tatay Totong na mapunta sa kalinga ng San Roque Parish.

Loading...