Lalaking may kapansanan, matiyagang naghahanapbuhay para kumita

Isang netizen ibinahagi online ang larawan ng isang lalaking may kapansanan kung saan matiyaga itong nagtitinda sa kalsada.

Bumilib si netizen Jacklyn Hidalgo sa pagpupursige ng isang PWD o person with disability dahil marunong itong magbanat ng buto.

Ang lalaki ay nagbebenta ng mga faceshield at alcohol sa tabi ng daan. Inilatag niya ang kanyang mga paninda sa daan upang makita ito ng mga taong dumadaan.

Ayon kay Hidalgo, siya ang supplier ni kuya Darwin sa kanyang mga paninda. Dahil napahanga siya sa kasipagan nito, kaya nais niyang makatulong naman rito.

Credits: Jacklyn Hidalgo / Facebook

Sa kabila umano ng kapansanan nito ay hindi ito naging hadlang kay kuya Darwin na siya’y magpursige at maghanapbuhay.

Hindi gaya ng iba na dumedepende lang sa kanikang pamilya. Si kuya Darwin ay may diskarte rin sa buhay.

Nakapwesto umano si kuya Darwin malapit sa Police station sa Maguyam, Silang, Cavite.

Hinikayat niya ang kanyang mga kakilala na bumibili sa kanya upang kumita naman ito kahit papaano.

Kahit na may pand3mya ay kayod-kalabaw rin si Darwin upang makatulong sa kanilang pamilya.

Saad rin ni Hidalgo na isang inspirasyon sa marami si Darwin. Aniya, maiisip talaga natin na maswerte tayo at sisipagin rin tayo magtrabaho gaya nito.

Credits: Jacklyn Hidalgo / Facebook

Napahanga rin ang mga netizen kay kuya Darwin dahil sa ipinapakita nitong kasipagan. Masasabing isa siyang magandang ehemplo sa mga kagaya niya at sa iba na rin.

Basahin ang kanyang buong post:

“Hello guys. My friends from maguyam lalo na ung mga nagwowork jan. Baka po makita nyo si kuya darwin malapit jan sa may taifini sa may police station. Pakiusap po sa kanya na kayo bumili ng face shield.. Reseller ko po siya.70 pesos bentahan niya.. Medyo pricy. Pero isipin nyo na lang po tulong nyo sa kanya. Nakakaproud po iyan siya. Masipag po sa kabila ng kalagayan at pandemic.”

“Ipinapaalala po niya sa inyo kung gaano kayo kaswerte sa buhay,. Sisipagin kayong tiyak sa buhay pag nakita nyo sya.”

Loading...