Lalaking may kapansanan, hinangaan online dahil sa pagtulong sa pagre-repack ng relief goods

Viral online ng video ng isang lalaking may kapansanan dahil sa kabila ng kanyang kalagayan ay hindi ito hadlang upang makatulong sa kanyang kapwa.

Ang video na ibinahagi ni netizen Salvador Escalante Jr. ay umani ng libo-libong views at shares sa social media.

Ang video ay nagpapakita ng pagiging matulungin ng isang may kapansanan para sa mga kababayang apektado ng COVID-19.

Hindi nabanggit ang pagkakakilanlan ng lalaki ngunit ito ay pumukaw sa atensyon ng mga netizen.

Putol ang isang kamay ng lalaki ngunit patuloy itong nagre-repack ng relief goods upang maipamahagi sa mga taong nangangailangan ng pagkain at bigas dahil sa enhanced community quarantine.

Courtesy of Salvador Escalante Jr

Sa kabila kasi ng mga negatibong balita na nakikita sa social media ay may mga mabubuting puso pa rin ang namamayagpag.

Sa Facebook post ni Salvador ay may caption itong, “Ask not what your country can do for you, but rather what you can do for your country!”

Sa kalagayan ngayon, ang tanging magandang nangyayari ay maraming pinoy ang nagtutulungan upang makatulong sa mga mahihirap nating kababayan.

Galing sa mga sariling bulsa, namamahagi ang karamihan ngayon ng mga relief goods para sa mga kapos-palad ding pinoy.

Loading...