Lalaking may COVID-19, laking pasasalamat sa mapagbigay na kapitbahay

Abot-abot ang pasasalamat ng isang lalaking positibo sa COVID-19 sa kaniyang kapitbahay matapos siyang makatanggap ng maraming pagkain mula dito.

Ibinahagi ng isang lalaki ang kabutihan ng kaniyang kapitbahay dahil sa mga pagkaing ibinigay sa kanila.

Hindi nabanggit ang pangalan ng lalaki, batay sa ulat ng Philippine Star ay abot-abot ang kaniyang pasasalamat at tuwa dahil binigyan sila ng kaniyang kapitbahay ng frozen goods, prutas, cooked foods, karne, isda, tubig, tinapay, vitamins, face masks, at iba pa.

Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kwento pa niya, hindi niya inakalang makakatanggap ng grocery supplies mula sa kapitbahay dahil hindi naman umano sila magkakilala at kalilipat lang nila ng Valenzuela.

Makikita naman sa mga larawan na may kalakip pang encouragement letter ang mula sa kapitbahay.

Photo credit to the owner

Kaya naman naantig ang kaniyang damdamin sa kabaitan ng nasabing kapitbahay.

Photo credit to the owner

“Nakakataba ng puso ang bigay ng mga kapitbahay naming hindi naman namin kilala. Lalo pa 5 months palang kaming nangungupahan dito sa Valenzuela,” saad ng lalaki.

Kasalukuyang naka-home quarantine ngayon ang lalaki. Kasama umano niya sa bahay ang kaniyang 14 anyos na nakababatang kapatid at asawa na buntis.

Samantala, ayon sa ulat ay nakatakdang ilipat ng Valenzuela CESU ang lalaki ngayong araw sa isang isolation facility.

Maraming netizen naman ang naantig sa kwento dahil sa kabila ng kanilang kinakaharap na pagsubok dahil sa coronavirus ay may nagmamalasakit rin sa kanila.

Loading...