Lalaking isa lang ang paa, kinabiliban ng mga netizens dahil masigasig na naglalako ng ice drop

Isang lalaki na isa lang ang paa ang kinabiliban ng lahat ng netizens dahil sa taglay nitong kasipagan.

Napabilib ang lahat ng nakapanood sa video dahil kahit isa lang ang paa ay kumakayod ito.

Masasabing hindi hadlang ang anumang kapansanan kung nais talaga ng isang tao na may magawa.

Marami na rin tayong natunghayang mga may kapansanan, ngunit mas daig pa nila ang mga taong kompleto ang pisikal na anyo dahil mas masipag pa sila.

Ayon sa isang netizen, madalas na mahahanap ang lalaki sa Madrigal Avenue, Ayala Alabang.

Matagal na umano itong nagbebenta ng ice drop doon at ang ibang bumubili rito ay hindi na kinukuha ang sukli bilang tulong nila.

Kahit na hihirapan ay patuloy pa rin ito sa pagbebenta. Humihinto man para magpahinga, kung kaya isa ito sa nakapagbigay ng inspirasyon sa iba dahil sa taglay nitong determinasyon at kasipagan.

Umabot na sa mahigit 34 thousand ang nagbahagi ng video at halos mag-iisang milyon na rin ang views nito.

Patunay na sa anumang estado ng buhay, mahirap man o mayaman, may kapansanan man o wala ay pare-pareho lang tayong lahat na kayang abutin ang ninanais kung pursigido lamang tayo.

Basahin ang ilang positibong komento ng mga netizens:

Loading...