Lalaking ikakasal na, nasawi ng mabunggo ng truck matapos mamahagi ng wedding invitation

Hindi lamang ang pamilya ang nagdadalamhati ngayon pati na rin ang mga netizen ng matunghayan ang nangyaring trahedya sa magkasintahan.

Isang nakakalungkot na balita ang bumungad sa lahat ng mag-viral ang larawan ng isang motorsiklo na nabunggo sa truck.

Ayon sa ulat, magkasintahan ang sakay ng motorsiklo kung saan nasaw! sa trahedya ang lalaki habang ang babaeng angkas ay ligtas naman.

Photo courtesy: Bohol Island News/Facebook

Mamimigay na umano ng wedding invitation ang dalawa ng mangyari ang hindi inaasahang trahedya.

Hindi na umabot pa ng ospital si Alberto “Jonex” Balano Jr. matapos silang mabangga ng isang dump truck sa Davao-Bukidnon National Highway, Calinan District sa Davao City.

D3ad-on-arrival sa ospital si Jonex, 38, na ikakasal sana noong Abril 7.

Photo courtesy: Bohol Island News/Facebook
Photo courtesy: Bohol Island News/Facebook

Makikita naman sa mga larawan na pagiging emosyonal ng kasintahan. Hindi ito makapaniwala na sa isang iglap lang ay naglaho lahat ng kanilang pangarap.

Photo courtesy: Bohol Island News/Facebook

Nalungkot ang netizens sa nangyari sa dalawa. Ang pag-iisang dibdib sana nila ay hindi na kailaman mangyayari pa.

Nakiramay naman ang publiko sa nobya at sa pamilyang iniwan nito.

Loading...