Lalaki, naloko ng scammer matapos magpanggap na nagbibigay ng donasyon sa amang may sakit

Nakakaawa ang sinapit ng isang lalaki na nag-viral online matapos siyang maloko ng nagpanggap na magbibigay tulong financial para sa kanyang amang may sakit.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Jayvee Buracan. Kung saan naloko siya ng isang lalaking nagpanggap na magbibigay ng donasyon.

Hindi akalain ni Buracan na pagsasalamantahan ng scammer ang kanilang sitwasyon ngayon.

Humingi ng tulong financial sa social media si Buracan upang sa kanyang ama. May sakit ito at hindi na umano kaya nilang tustusan pa ang pagpapagamot rito.

Noong Abril 29, nag-post sa kanyang FB account si Buracan na may kalakip na larawan ng kanyang tatay at mga bank account na maaaring hulugan ng pera.

Ngunit nitong Mayo 1, may isang lalaking nag-pm kay Buracan na nagngangalang Christian Perez.

Saad ni Perez kay Buracan na magpapadala ito ng pera upang pangtulong sa kanyang ama.

Aniya, nasa banko ito at ipapadala niya ang kanyang tulong sa GCASH ni Buracan. Ngunit maaari lang umano niya itong maipadala kapag nagbigay rin ng authentication code si Buracan.

Hindi alam ng biktima na niloloko lamang siya upang makuha ang kanyang personal imformation sa kanyang online account.

Nagpasalamat pa siya sa suspek dahil akala niya’y magbibigay ito ng tulong.

Base na rin sa kanilang mag-uusap online ay binigay ni Buracan ang hinihingi ni Perez dahil kampante siyang magbibigay ng tulong ang huli.

Ngunit matapos niyang maibigay lahat ng impormasyon na hinihingi nito ay sinimot na pala nito lahat ng kanyang pera sa GCASH.

Sinubukan niyang tawagan ang suspek ngunit hindi na niya ito ma-contact pa. Kaya doon na nanlumo si Buracan at napagtanto niyang naloko siya.

Abot-abot ang pagsisi ni Buracan dahil lahat ng pera ay nawala na. Makatanggap na lamang siya ng mensahe na ang kanyang pera ay naipadala na sa nagngangalang Daisy Dimaculangan.

Ang kanyang pera sa GCASH ay ubos lahat na may halagang P15,496.

Maraming netizen ang nagpupuyos sa galit dahil sa pangloloko nito. Sinamantala kasi ng scammer ang sitwasyon ni Buracan kaya madali niya itong naloko.

Marami ang nagnanais na mahuli at makulong ang suspek upang pagbayaran nito ang ginawang pangloloko.

Sa ngayon ay umabot na sa 152,000 ang nag-sjare ng naturang post.

For reference, narito ang post ni Buracan:

Loading...