Lalaki karga-karga ang anak na sanggol habang nagtitinda

Viral ngayon ang isang lalaki na karga-karga ang anakna isang buwan pa lamang habang nagtitinda upang may pambili ng gatas sa anak.

Nag-viral sa social media ang panawagan ng isang concerned citizen matapos niyang ibahagi ang kwento ng isang ama kasama ang sanggol pa nitong anak.

Ayon sa post ni Cristina Magpuyo Birao, naglilibot siya sa may Barangay Batasan sa Quezon City dahil parte ng kanyang trabaho ay sitahin ang mga taong nasa bangketa na may nilabag na batas.

Sa kanyang paglilibot ay namataan niya ang lalaking si King Brian na kilala rin umano sa pangalang Marian.

Photo courtesy: Cristina Magpuyo Birao/Facebook

Kwento niya, trabaho umano dapat niya ay kunin sila at bigyan ng violation ngunit ng marinig niya ang paliwanag nito ay awa ang kanyang naramdaman.

Sinabi nitong iniwan sila ng kanyang asawa kasama ang isa pa nilang anak. Kaya naman naiwan silang dalawa ng kanyang sanggol. Upang matugunan ang pangangailan ng anak ay napilitan siyang dalhin ang anak sa pagtitinda.

Wala umanong mapag-iiwanan sa sanggol ang lalaki kaya dala-dala niya ang anak saan man magpunta.

Samantala, makikia sa mga larawan na sa stroller lang inilalagay ng lalaki ang kanyang mga paninda at madaling makapamili ang mga mamimili.

Photo courtesy: Cristina Magpuyo Birao/Facebook

Humingi ng tulong si Birao sa social media na sa sino mang may mabubuting puso na tulungan ang mag-ama upang hindi na nila kailangan pang lumabas pa ng bahay para magtinda.

Sa mga nais tumulong ay maaring makipag-ugnayan kay Birao o kaya’y dumeretcho sa Barangay Batasan.

Basahin ang kanyang buong post:

king brian A.K.A marian kung taga Barangay Batasan ka makikilala nyo sya nadaanan ko po sya habang ngttinda kasama ang isang buwang baby nya nakakalungkot kylangan nyang kumayud para mpakain ang baby nya dahil ung nanay itinakas ang isa nilang anak at kaya niya dala dala ang baby nya dahil walang mgbantay(opo naka uniform po ako at trabho ko po sana ang kuhanin sila or bgyan ng violation pero sa paliwanag nya bilang magulang naiintindihan ko po sya…)humihingi lng sana ako ng kunting tulong para kahit papano nsa bahay nlng sna sya mgtinda para dina ma xpose ang kanyang baby sa mga gustung tumulong po pwd nyo po ako kontakin o kya sa ating brgy.dahil kulang po ang naibigay kung tulong sa knya kahit papano my pang gatas sya sa baby nya…PLS..RESPECT my post po.”

Loading...