Lalaki itinapon ang relief packs sa kalsada dahil umanoy kulang daw

Viral ngayon ang isang lalaki online matapos niyang itinapon ang relief goods na ibigay sa kanya sa kalsada dahil kulang umano ito.

Ayon sa post ng Mabalacat City News, bigla na lamang nagalit ang lalaki matapos nitong magreklamo dahil dalawang relief packs lang ang ibinigay sa kanila na dapat sana ay apat.

Paliwanag naman ng mga namigay ng relief goods ay dalawa lang ang kanilang ibinigay dahil sa kakulangan ng supply at para mabigyan din ibang mga residente.

Basahin ang buong post:

Kami po ay nakikiusap sa lahat ng kabahayan na aabutan ng ating relief distribution team o FRONTLINERS na iwasan po natin ang mga ganitong pangyayari at lalo na ang paninira ng pagkain na ipinamamahagi ng ating Mabalacat City Government.
Nauunawaan po natin na 4 na relief packs ang hinihingi nila at kung dalawa lamang ang kayang iabot sa ngayon ay tanggapin na lamang po sana imbes na itapon sa kalsada. Maaari din naman po ang makiusap ng maayos.
Paalala po lamang na kumalma tayo, magrespetuhan at magpasensyahan lalo na itong panahon ng krisis.

Loading...