Lalaki, ginamit ang natirang pera na P25 para maghanap ng scholarship online, ngayon ay graduate na ng Yonsei University sa South Korea

Matayog ang pangarap ng isang pinoy student dahil sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan upang makapag-aral ay hindi siya pinanghinaan ng loob.

Dahil sa kagustuhang makapagtapos ng kolehiyo ay ginamit ni Ace Apolonio ang perang natira sa kanyang pamasahe na P25 para makapag internet. Bigla lang umanong pumasok sa kanyang isipan na maghanap ng scholarship sa ibang bansa.

Pinalad naman si Apolonio dahil ang dating salat sa buhay, ngayon ay nakapagtapos na sa Yonsei University sa South Korea, isa s amga prestiheyosong paaralan.

Si Ace Spencer Apolonio, 24 anyos, ay nagtapos ng Bachelor of Science in Chemical Engineering.

Kwento ni Ace, nagsimula ang kanyang pag-asa dahil sa P25 na tirang pamasahe. Naghanap umano siya online ng scholarship at nag-apply. Sinunukan niyang makakuha ng scholarship sa Chinese, Malaysian, at Japanese scholarship programs, pero hindi siya natanggap.

“Where I searched, for the first time, ‘undergraduate scholarships abroad.’“I still feel the smile I had on my face when I saw that there are fully-funded government scholarships abroad.”

Ngunit hindi umano siya tumigil sa kakahanap hanggang isang araw ay natuklasan niya ang tungkol sa Korean Government Scholarship Program (KGSP). Sinubukan niyang mag-apply doon noong 2014. Ngunit bigo si Ace na makuha ang scholar.

Dumating sa punto na nawalan siya ng pag-asa at nadepress dahil tingin niya ay hindi na niya maabot pa ang kanyang mga pangarap. Aniya, inisip umano niya na magagawa lang siya sa kanyang mga magulang na hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

“At this time, my high school friends were almost finished with their undergraduate programs and I…I was still looking for a chance.”

Nakiusap pa umano siya sa KGSCP na bigyan pa siya ng pagkakataon ngunit sinabihan siya na mag-apply nalang ulit sa susunod na taon. Ito umano ang naging motivation ni Ace upang magsumikap.

Naghanda siya ng isang taon upang makuha ang scholarship at rumaraket rin upang magkaroon ng kita dahil pawang walang mga trabaho umano ng panahon iyon ang kanyang mga magulang.

“I sold my paintings, I made other students’ short films, I would make graphite drawings of couples, and I would sell the laboratory apparatuses that once accompanied me as a child.”

“I did everything I could so that I can afford luck because luck is not free. It doesn’t go knocking at your door.”

Makalipas ang isang taon ay nag-apply ulit siya at hindi niya sinayang ang pagkakataon. Sinabi niya na sakaling hindi man siya matanggap ngayon ay babalik at babalik parin siya taon-taon hanggang sa makuha na niya ito dahil ito lang umano ang paraan upang maiahon niya sa kahirapan ang kanyang pamilya.

I spent years, bl0od, and sweat looking for this chance. If I don’t pass this year’s application, I will try again the following year, the year after, until I get it. “I am not going to sit around doing the same thing every day for a life that is never going to improve our lifestyle.”

“I want to look farther in time, see myself in a position where I can say, ‘I am proud of what I did.’”

Sa pagkakataong iyon ay natanggap na si Ace sa scholarship. Nagsumikap siya sa pag-aaral at dumidiskarte rin upang makapagpadala ng pera sa kanyang lola sa bansa.

Inalala pa niya ang kanyang hirap na pinagdaanan bago makamit ang kanyang pngarap. At ngayon ay tinatamasa na niya ang bunga ng kanyang pagsisikap.

Basahin ang kanyang post:

Who knew that a child from a broken, low-income family, whose recent performance in school was mediocre, and was rejected by schools and scholarship applications would win a fully-funded five-year scholarship program abroad?

I knew. Because I believed in it. I stayed with that dream.

Every single moment of that journey all I had in mind was an image, an image that you see now. An image of me finally wearing that graduation gown, head held up high, with a smile reminiscent of the hardships I went through.

I can finally say, I am proud of what I did. And I would do it again if this is what it takes to learn.

To my friends, my parents, my grandmother, my relatives, my teachers in elementary and high school, and all the people who also believed in what I can be, this is all for you.

To the dreams that never faded away.

Loading...