Lady guard, naging inspirasyon dahil napagsabay ang trabaho at pag-aaral, kabilang pa sa Dean’s Lister

Kinabiliban sa social media ngayon ang isang lady guard mula Tagum, Marinduque dahil nakapagtapos siya ng pag-aaral habang nagtatrabaho rin.

Ang mas nakakabilib pa rito ay napasama pa si Arlyn Ramos sa Dean’s Lister sa pinapasukang paaralan.

Si Arlyn ay 27 anyos na at nakapagtapos sa kursong kursong Food Service Management sa Bulacan State University (BSU).

Noong 2019, pinagsabay niya ang pagiging security guard at pag-aaral sa BSU.

Sa larawan ay makikita ang mukha ni Arlyn kung saan nakasuot siya ng toga at ang isan naman ay naka uniporme bilang lady guard.

Credit: Arlyn Ramos / Facebook

Naitampok ang kanyang kwento sa Facebook page ng Bulsu Capture kung saan umani ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizen.

Sa caption ay nakalagay, “Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT major in Food Service Management, at isa ring dean’s lister.

“2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula taong 2019.

Saad ni Arlyn, naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya kaya nagsumikap siya. Kaya naman nagawa niyang pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.

Credit: Arlyn Ramos / Facebook

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.

“Nagsumikap ako magtrabaho at pag-aralin ang sarili ko…”

Saad pa niya, pangarap niyang makapagtrabaho sa isang cruise ship. Kaya naman pakiusap niya sa kanyang tatay na magtiyaga munang maghintay. Tutuparin umano niya lahat ng kanyang pangarap upang matulungan ang kanilang pamilya.

“Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin. Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga.”

“Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon,” dagdag pa niya.

Loading...