Kris Aquino may bwelta kay Mocha patungkol sa video ni Ninoy: ‘Hindi kita uurungan’

150

Hindi na mapigilan ni Kris Aquino na magsalita at banatan ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson patungkol sa video ng kanyang ama na hinalikan ng dalawang babae na ipi-nost naman ng huli.

Ang video na ibinahagi ni Mocha ay ang kompara lamang sa ginawang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang babae sa South Korea.

Ngunit bumuhos ang emosyon ni Kris sa naturang video dahil pambabastos umano iyon sa alaala ng kanyang yumanong ama na si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Sa Facebook live ni Kris, saad niya na pinalampas umano niya ang mga nagdaang atake ni Mocha ngunit ngayon ay napuno na siya dahil ipinaalala umano ni Mocha ang sakit noong mamatay ang kanyang ama.

Via facebook.com/krisaquino

“Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin…. Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil buhay siya. Kaya niyang depensahan ang sarili niya,” saad ni Kris.

“Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay,” dagdag pa nito.

Bwelta pa ni Kris kay Mocha, “Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line.”

Samantala, basahin ang buong post ni Kris patungkol kay Mocha:

Asec Mocha Uson – marami akong pinalagpas. Binalahura mo na ang buong pagkatao ng pamilya namin… Mapapansin mo si Noy hindi parte ng video ko dahil BUHAY sya. Kaya nyang depensahan ang sarili nya.

Pero nung napanuod ko yung inupload mo para depensahan si presidente Duterte (na ni minsan hindi ko pinakitaan ng hindi maganda) alam mo ba kung ano ang ginawa mo?

Sinariwa mo ang sugat sa puso ng isang batang 12 years old nung pinaslang ng walang kalaban laban ang kanyang ama. Umiyak ako ng tuloy tuloy dahil NAINGGIT ako sa 2 babaeng nakahalik sa Dad ko bago sya pinatay. Isang regalong hindi binigay sa nanay ko na walang tigil mo ring binabastos.

Nangako akong hindi kita papatulan – but this time you crossed the line.

You reminded me of how much I hurt my mom nung buntis ako kay josh & na disown ako pero nung 1 month si kuya – naglakas loob akong pumunta sa Times Street & once kinarga nya yung apo nya – sya na yung pinaka nagmahal sa anak kong may autism. Pinaalala mo na nung issue namin ni joey, nung umamin ako sa STD, niyakap lang ako ng nanay ko.

Sa lahat ng naging palpak sa buhay ko – yun siguro ang kaibahan namin – WALA KAMING PINAGTAKPAN. Wala kaming ginamit. Inako ko lahat ng mali ko at dahil nga minahal ako ng nanay ko at gusto kong maging mabuting ina – sinisikap kong ayusin ang buhay ko.

Kaya ngayon hihiramin ko ang salita nya: TAMA NA. SOBRA NA… Kung may gusto kang punching bag, please ako na lang. Kasi buhay ako, kaya kitang sagutin. At hindi kita uurungan. 

Source: ABS-CBN

Facebook Comments