Kapitbahay, sumaklolo ng tulong para sa isang lolo na nakatira sa umano’y tangkal ng baboy

Isang kapitbahay ang humihingi ng tulong kay idol Raffy Tulfo dahil sa kawa-awang kalagayan ng isang matandang lalaki na anino’y nakatira lamang sa maliit na espasyo.

Isang concerned citizen na kapitbahay ng matanda ang lumapit kay idol Raffy upang matulungan ito.

Ang matandang lalaki kasi ay nakatira ngayon sa tila kwadra kung saan sa salig lang ito natutulog at marumi pa ang lugar.

Nalungkot si Tulfo ng mapagmasdan ang sinapit ng matanda. Kaya naman isa-isa ng kinausap ang kapitbahay na nagsumbong at pamilya nito tungkol sa totoong kadahilanan kung bakit naroon ang lalaki.

Napag-alaman niyang dati itong preso na nakulong ng 16 na taon matapos nitong map4tay ang kanyang misis na nagt4ksil sa kanya.

Subalit noong siya’y nakalaya na ay pinabayaan na siya ng kanyang ibang kamag-anak. Kasalukuyan siyang nasa poder ngayon ng kanyang bayaw.

Paliwanag nito, hindi na nalinisan ng kanyang asawa ang tinitirhan nito dahil bus na ito sa pagmamaneho. Saad rin nito na kaya nila ito inihiwalay ay dahil na-diagnos3d itong may tub3rculosis kaya napilitan silang ilagay ito doon.

Wala rin umano silang pera para pambili ng gamot ng matanda dahil gipit rin sila.

Kaya naman inaksyonan kaagad ito ni Tulfo at nakipag-ugnayan upang masolusyonan ang problema ng matanda.

Ipapatingin rin niya ito sa doktor at saad niya, siya na ang bahala sa lahat ng gastusin. Ililipat rin ang matanda sa isang shelter na maaaring kumalinga at mag-alaga sa kanya.

Panoorin ang buong video:

Loading...