Kapitan, viral online matapos ihagis sa pader ang lalaking hindi nagsuot na face shield

Usap-usapan ngayon online ang paghagis sa pader ng isang kapitan sa lalaking hindi nagsuot ng face shield.

Viral sa social media ang video na ibinahagi ng Like this page kung saan makikitang binuhat at hinagis sa pader ng kapitan ang isang lalaki.

Ang dahilan umano ay hindi pagsusuot ng face shield ng lalaki kaya nagkaroon ng hidwaan ang dalawa.

Ang video ay ibinahagi noon pang pasko December 25 at umabot na nga ng 59,000 ang share nito.

Ayon sa caption ng post, “Face mask lang suot ni kuya walang face shield kaya hinampas sa pader ni Brgy. Captain si kuya. Kalahati pa raw ‘yan ang nilabas na lakas ni Brgy. Captain paano na siguro kung nilabas lahat baka lumampas si kuya sa pader ng Brgy. hall. Share natin para makarating kay idol Raffy Tulfo.”

Wala pang kompletong detalye ang nagyaring insidente. Sa ngayon, hindi pa naririnig ang panig ng kapitan kung bakit umabot sa ganoon ang pangyayari.

Hinfdi rin natukoy kung sino at saang barangay nangyari ito.

Samantala, nagalit naman ang mga netizen sa ginawa ng kapitan. Kinondena ng marami ang pananakit ng kapitan sa lalaki.

Panoorin ang viral video:

Loading...