Kapitan sa Palawan, ipinamahagi ang kanyang sahod sa mga PWD at solo parent

Laking pasasalamat ng isang residente matapos matanggap ang tulong pinansyal ng kanilang kapitan sa Palawan.

Ayon kay Elizabeth Abala Paguntalan, ibinahagi ng kapitan ang kanyang sahod bilang tulong sa mga PDWs at solo parent sa kanilang barangay.

Photo courtesy: Elizabeth Abala Paguntalan/Facebook

Sa mga larawang ibinahagi ni Elizabeth, makikitang isa-isang inilalagay sa bawat sobre ang perang ipamamahagi ng kapitan.

Bukod kay kapitan Galla, nagbigay rin umano ng tulong ang apo nitong pulis na si Police Officer Jobeth Galla.

Photo courtesy: Elizabeth Abala Paguntalan/Facebook

Kaya naman nagpapasalamat ang mga residente ng Barangay Bagong Sikat, Narra, Palawan dahil sa tulong na ipinaabot ng kanilang kapitan para sa mga PWDs at solo parent.

Dahil sa lahat ng Pilipino ay apektado ng COVID-19, marami ring public officials at mga indibidwal ang kusang tumutulong.

Kahit ang lokal na pamahalaan ay nagpaabot na rin mga relief goods bilang tugon sa mga mamamayang nahihirapan dahil sa enhanced community quarantine.

Loading...