Kahit maputi na ang buhok ko! Lolong namili ng ukay-ukay para kay Misis, kinainggitan ng mga netizen

Nagviral sa social media ang larawan ng isang lolo kung saan namimili siya ng ukay-ukay para pangregalo sa kanyang misis.

Ang larawan ay ibinahagi ni netizen Janina Ulanday. Kwento niya nakita niya sa isang ukay-ukayan si Tatay Gaspar na pumipili ng damit kaya naisipan niyang tulungan ang matanda.

Hindi umano niya inakala na para sa misis nito ang damit na pinipili ni lolo.

Sa mga larawan ay makikitang may edad na nga si Tatay Gaspar. Ngunit matiyaga siyang namimili at naghahanap ng magandang damit.

Photo courtesy: Janina Ulanday/ Facebook

Kanya naman inantig ang kanyang damdamin nang malaman niya mula kay Tatay Gaspar na namimili ito upang may pangregalos a kanyang misis.

“Para sa misis ko. Maganda ba?” saad ni lolo.

“Tingin mo magugustuhan ng babae to?” tanong ni lolo kay Janina.

Photo courtesy: Janina Ulanday/ Facebook

Nang tumango si Janina ay malaki umano ang ngiti ni lolo dahil hindi umano nasayang ang kanyang oras sa paghahanap.

Naantig ang kanyang puso sa mga tugon ni lolo dahil nakikita pa rin niya ang walang kupas na pagmamahal ni lolo sa kanyang misis.

Sa modernong panahon natin ngayon ay bibihira na lang natin itong matunghayan ang ganitong tagpo.

Tunay ngang panahon lang ang lumilipas ngunit nananatili pa rin ang pusong nagmamahal.

Photo courtesy: Janina Ulanday/ Facebook

Hindi mahalaga kung maliit o malaki ang ibinibigay, ang importante ay ang pagpapakita mo ng pagpapahalaga kay misis.

Ito ang pinatunayan ni Tatay Gaspar, sa kabila ng kanilang edad ay buhay na buhay pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang misis.

Hindi lang si Janina ngunit maraming netizen ang naantig sa tagpo na iyon.

And this scene touched my heart. He’s old. He walks slow, cannot stand straight but despite all these, he still managed to go to store to buy somehing for his wife. ❤?

Photo courtesy: Janina Ulanday/ Facebook

“Totoo ngang panahon lang ang lilipas, madadagdagan ang edad, kukulubot ang balat pero ang pusong nagmamahal ng tunay hindi makakalimot, hindi tatanda, makakaalala kahit ang mata hindi na makakilala. ?❤? SANA ALL ?” saad ni Janina.

Umabot na nga ng 68,000 ang share at 121,000 ang nag-react sa naturang post.

Basahin ang buong post:

SURPRISE IS NOT ALWAYS ABOUT BRANDED AND EXPENSIVE THINGS.

“LALABO ANG MGA MATA AT HINDI KA NA MAKIKILALA PERO ANG PUSONG NAGMAMAHAL TALAGA, WALA MANG MATA , LAGI KANG MAAALALA.”

This old man caught my attention as I enter the store. Tinitignan ko lang siya kasi feeling ko kanina pa sya namimili ng mga damit. At first, akala ko nagtitingin sya ng damit para sa kanya pero npansin kong puro pambabae yung tinitignan nya. After a while, nilapitan ko sya para tulungan maghanap so I asked him “para po kanino tay?” he didn’t even bother to look at me. Sumagot lang sya “para sa babae.” I asked him again “pang regalo po ba?” He look at me as he raise the hanger “para sa misis ko. Maganda ba?” I smiled “opo tay,maganda” tinanong nya ulit ako “tingin mo magugustuhan ng babae to?” I said “opo naman,tay!” . Tumawa sya sabay sabing “hindi pala sayang yung tagal kong naghanap. Para kay misis to. Para may pang-alis siya. Salamat ha?” I just said “ingat po kayo tay.” Akala ko aalis na sya. Pero pumunta naman sya sa skirt section. Nagtitingin pala sya ng ipapares nya sa blouse na napili nya.

And this scene touched my heart. He’s old. He walks slow, cannot stand straight but despite all these, he still managed to go to store to buy somehing for his wife. ??❤?

Totoo ngang panahon lang ang lilipas, madadagdagan ang edad, kukulubot ang balat pero ang pusong nagmamahal ng tunay hindi makakalimot, hindi tatanda, makakaalala kahit ang mata hindi na makakilala. ?❤??

SANA ALL ?

Loading...