Jollibee payag nang iregular ang nasa 7,000 empleyado

Ang nasa 7,000 empleyado ng Jollibee Foods Corp. ay gagawin ng ganap na regular. Ito ay kinumpirma mismo ni chief executive officer (CEO) ng Jollibee Foods Corp. Ernesto Tanmantiong nitong Biyernes.

Matapos ipag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular ang mga empleyado nila.

Sa panayam kay Tanmantiong, saad niya na suportado ng kanilang kompanya ang layunin ng gobyerno na wakasan ang endo.

“[We] have instructed our service providers to regularize all our employees with the security of tenure and benefits . . . So we support President [Rodrigo] Duterte in ending contractualization,” saad ni Tanmantiong.

Ang Jollibee Foods Corp. ay  ang may hawak ng franchise ng Burger King sa Pilipinas. Ang Jollibee ay may 6,482 na empleyado at ang  Burger King ay may 704 na empleyado.

Samantala, nagbukas rin ng panibagong branch ng Jollibee sa Milan, Italy kung saan dinagsa ito ng maraming tao.

Inaasahan pa ni Tanmantiong na dadami pa sa Europe ang kanilang branch upang makapagbigay rin sila ng maraming trabaho sa mga Pilipino.

Source: ABS CBNInquirer

Loading...