Jeepney driver sa Marikina, nilibre ng sakay ng kanyang mga pasahero bilang pa-birthday niya

Viral online ang isang tsuper ng jeep dahil libre ang sakay niya ngayong bilang handog niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ngayong Disyembre 30, Lunes, ipinagdiriwang ng isang jeepney driver ang kanyang kaarawan. Naisipan niyang ilibre ng sakay ang lahat ng kanyang pasaherong.

Bumabyahe si manong sa rutang Calumpang-Cubao.

Sa loob ng jeep, may nakapaskil na “Libre sakay, wala pong bayad. B-day ng driver, Dec. 30.”

Photo courtesy: Judy Huarde/ Facebook

Ang larawan ay kuha ni netizen Judy Huarde. Kung saan ibinahagi niya ang nakaka-goodvibes na balita.

Imbes na si Manong driver ang tatanggap ng regalo dahil kanyang kaarawan ay siya pa ang namigay ng regalo sa kanyang mga pasahero.

Maraming namangha at bumati kay Manong dahil sa simpleng paraan ay nakapagbigay siya ng kaligayahan sa iba.

Ngayon ding araw ay ipinagdiriwang rin ang Rizal Day.

Basahin ang mga komento ng ilang netizen:

Cherille Joy Olaya-baylon, “It’s Rizal’s Day.can be a hero in a simple way,and you really are manong.Happy bday and may the Lord God blessed u more.”

GC Katzie “Happy Birthday po Kuya! May you have many more blessed years to come! Drive safe always!”

Loreto Baligad Villanueva Pasion, “In this world full of negativity and hatred we need kuyang driver to lighten up our world. Kudos kuya! A perfect epitome of a true hero.”

We should be like kuyang driver. ❤️

Don Llantero, “Wow Happy Birthday po!!! Sarap regaluhan ang mga taong kahit simple mamuhay pero may malakasakit sa kapwa! Mabuhay po kayo”

Lolita Cabugos, “Manong driver lam ko di ka ganun kayaman pero dakila puso mo. Sa halip ikaw ang regaluhan ikaw ang nagbigay sa mga pasahero mo. Happy bday po sana dumami tulad mo na may mabuting puso sa kapwa ?❤??”

Kurt Jovan Abunda, “Happy bday yung iba ilalaan sa inuman ang bday nila sya para sa karamihan pa din iniisip. Salute sayo kuya mabuhay ka.”

Loading...