Janitor noon, may-ari na ng restaurant ngayon sa Australia

Nagbigay inspirasyon sa mga netizen ang kwento ni John Andrew Dangca dahil mula sa pagiging janitor, ngayon ay isa na siyang restaurant owner sa Australia.

Nakakamangha ang kwento ng tagumpay ni Andrew Dangca, 27 anyos. Nagsimula siya sa pinakamababang posisyon, ngayon ay may sarili ng Filipino restaurant sa Canberra, Australia.

Siya ang nagmamay-ari sa Salu-Salo restaurant na itinayo niya noong 2019. Kabilang sa inihahain sa kanyang resto ay chicken and pork adobo, sinigang, tinola, d!nuguan, pansit, palabok at mga street food gaya ng isaw at fish ball.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

Taong 2013 ng nakipagsapalaran sa ibang bansa si Dangca. Sa tulong umano ng kanyang tiyahin ay nakarating siya sa Australia.

Kwento niya, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan dahil kailangan niyang magsumik4p upang masuportaan ang sarili. Pumunta siya sa Australia bilang international student at nagtatrabaho rin at the same time.

Ipinagsasabay niya ang pagiging janitor at pag-aaral ng Diploma in Disab!lity. Aniya, naglilinis siya sa mga malls, h3alth care facilities at office buildings.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

“Nag-umpisa po ako dito as international student po, way back 2013 po. Kinuha po ako ng tita ko, yung eldest sister nung father ko.”

“Tapos yun po, naging working student po ako. Nag-work po ako as a cleaner. Nagwu-work po ako sa gabi, nag-aaral po sa umaga.”

Saad pa niya, may goal siya oara sa pamilya niya bilang isang breadwinner. Kaya naman kahit mahir4p ay tinitiis niya ang lahat. Kahit na may tiyahin siya doon ay hindi naman umano siya pwedeng doon nalang umasa. Kaya kumakay0d rin siya upang masuportaan ang sarili.

“Sobrang diskarte lang po nung time po na nagki-cleaning po ako. Marami po akong job.”

“Nung time na lalo na po pag holiday, doon pa talaga nag-strive po ako, na kahit wala pa pong tulog… Sa train station na po ako natutulog noon, sa bus. Tuluy-tuloy po talaga ako nung work ko noon.”

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

“Kasi iniisip ko, e… kasi self-supporting na po ako noon. Thankful po ako na nakuha po ako ng relatives ko dito, pero siyempre, hindi naman po habang buhay magre-rely ako sa kanila, kasi meron din po silang sinusuportahan na family sa province po namin, ” dagdag pa niya.

Taong 2019 ay napetition niya ang kanyang pamilya. Kaya naman noong 2020 ay nagdesisyon siyang magbukas naman ng restaurant.

Naging maganda ang takbo ng kanyang negosyo ngunit biglang nagkapand3mya ay labis na naapektuhan ang kanyang negosyo. Ngunit unti-unti umano siyang bumangon. Dahil sa home deliveries ay pumatok ulit ang kanyang restaurant at kaya hanggang ngayon ay tuloy-tuloy pa rin ito.

Credit: GMA Public Affairs / Facebook

Ipinagmamalaki ni Andrew ang kanyang tagumpay dahil dug0 at pawis ang kanyang naging puhunan upang makamtan ito. Patunay lamang na kahit sa anumang pagsub0k mapagtatagumpayan ito kapag ika’y nagtiyaga at nagsumik4p.

“Talagang pinaghirap4n ko po. Nag-strive po ako para makuha ko po ito kung anuman yung sitwasyon ko ngayon.”

Loading...