Iwas lamok! Patok na homemade at praktikal pantaboy ng lamok

1916

Dahil nauuso na ang sakit na Dengue ngayon, nag-viral agad sa social media ang isang tips na pwedeng gawin upang makaiwas sa lamok.

Walang pinipiling kasarian o edad ang sakit na Dengue atdahil tag-ulan ngayon mataas rin ang kaso ng Dengue.

Sadyang mapanganib ang kagat ng lamok, lalo na sa mga bata dahil sila ang madalas nakakagat ng insekto.

Nag-viral sa social media ang Facebook post ni Niev Gonzaga Calantoc . Kung saan umabot na sa 127K ang kanyang post at nasa 43K naman ang nagreact nito.

Ayon kay Calantoc, mabisang pantaboy ng lamok ang kanyang bagong nakita rin sa social media.

Ibinahagi niya kung paano gawin ito na makikita lamang sa bahay ang mga kasangkapan.

Basahin ang buong post:

Salamat sa nag post nito sa Facebook
WALANG LAMOK
sinubukan ko maghapon till now..wala talagang lamok
1.bawang
2.empty bottle
3.stick /toothpick
4.tubig

Balatan ang bawang tusukin ng stick para huwag mahulog sa bote..lagyan ng tubig ang bote at ilagay ang tinuhog na bawang sa ibabaw ng bote na may tubig..yung makasayad ang bawang sa tubig..lagyan ang mga lugar ng bahay na malamok…SUPER EFFECTIVE

Dagdag paniya, “Sa lahat po ng mag try nito..5 to 6 bottle in one room.ilagay sa mga tapat ng nahahanginan..tulad ng bintana at electricfan..ang isang bawang last for 3 days..everyday tusukin nyo uli ng toothpick yung bawang at dadagan ng tubig..para mas maging effective.”

Aniya’y napaka epektibo umano nito upang maitaboy ang mga lamok.

Nahikayat naman rito ang mga netizen lalo pa at nakapadaling hanapin ang mga kasangkapang gagamitin.

Dahil sa simpleng pamamaraang ito ay maraming netizen ang nagpasalamat sa pagbahagi nito.

Samantala, pinatotohanan naman ng ilang netizen na epektibo ito.

Source: Facebook

Facebook Comments